Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

Kaso ng pagpatay sa isang binatilyo sa Bulacan, sisiyasatin sa 'Imbestigador'


Nakasilid sa sako at nakatali ang kanyang mga kamay. Ganito natagpuan ang bangkay ng isang binatilyo sa isang sapa sa San Jose del Monte, Bulacan.


Sa katabing lugar ng Bagong Silang sa Caloocan, dalawang linggo nang nawawala ang anak ng mag-asawang Remecio, ang labing limang taong gulang na si Michael Angelo. Huling nakitang namasada si Michael Angelo gabi noong ikadalawampu’t anim ng Agosto. Pero matapos nito, hindi na siya muling nakabalik sa kanila.


Hanggang noong ika-labing tatlo ng Setyembre, isang mangangalakal ang nakadiskubre sa isang sako sa Bulacan. Sa pag-aakalang basura ang laman, dali-dali niya itong binuksan. Pero laking gulat niya ng isang bangkay pala ang nakasilid sa loob ng sako!

Pagdating sa lugar, tuluyang kinumpirma ng kanyang mga magulang na ang anak nilang si Michael Angelo ang biktima. Ano nga ba ang tunay na nangyari sa binatilyo? Paano niya sinapit ang malagim na pagpatay at sino ang may kagagawan sa karumal-dumal na krimen?


‘Wag palampasin ang Imbestigador ngayong October 21, Sabado ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA!