Kaso ng pagkamatay ni Carl Arnaiz, sisiyasatin sa 'Imbestigador'
“THE CARL ARNAIZ MURDER”
Sa pagganap nina Julian Trono at Sheryl Cruz
October 7, Sabado ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA
Likas na matalino si Carl Angelo Arnaiz. Nagtapos na valedictorian noong elementarya at pumangalawa sa may pinakamataas na nakuhang grado sa entrance examination sa Makati Science High School. Pumasa rin siya noon sa University of the Philippines bagamat isang semestre lamang ang kanyang napasukan dahil sa depresyon. Mula noon, si Carl na ang nagbantay ng kanilang maliit na tindahan. Sa kabila nito, nanatiling matayog ang mga pangarap ni Carl. Nag-iipon daw siya para makabalik ng pag-aaral at pangarap niyang magkaroon ng sariling negosyo. Pero ang lahat ng ito, naglaho na parang bula nang matunton siyang wala nang buhay. At ang kanyang pagkakamatay, binalot ng kontrobersiya.
Si Carl daw ay nang-holdup sa taxi drayber na si Tomas Bagcal. Siya rin daw ay nanlaban sa mga pulis Caloocan na humuli sa kanya. Pero iba ang lumabas sa imbestigasyon ng Public Attorney’s Office at mga testigo. Siya raw ay sadyang pinatay habang nakaposas.

Sa isang komprehensibong ulat, ilalahad ang mga resulta ng imbestigasyon ng iba't ibang ahensiya ng pamahalaan, ihahayag ang iba't ibang bersiyon ng kuwento mula sa mga otoridad, maging sa mga lumutang na testigo at mga sangkot para bigyang linaw ang kaso.
Nanlaban nga ba o sadyang pinatay si Carl Angelo Arnaiz?
‘Wag palampasin ang Imbestigador ngayong October 7, Sabado ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA!