Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

Kaso ng pagpatay sa isang pamilya sa Bulacan, bubusisiin ng 'Imbestigador'


Pinakamagiting na Investigative Program, 5th  Kagitingan Awards for Television 2017
Best Investigative Program, 2017 Gawad Tanglaw
Best Investigative Program, 2017 NwSSU Students’ Choice Awards for Radio and Television (NSCART)
Best Investigative Program, 2017 Paragala Awards
MIKE ENRIQUEZ, HALL OF FAME, GAWAD BAGANI SA KOMUNIKASYON 2017
Gawad Para sa Makabagong Mandirigma Sa Larangan ng Radyo at Telebisyon

 

Ang mag-iina ni Dexter Carlos, nawakasan ang buhay sa isang iglap.
Paano nga ba nangyari ang brutal at malagim na Bulacan Massacre?

 



“BULACAN MASSACRE”
Sa pagganap nina Winwyn Marquez, Kiko Estrada at Gabby Eigenmann
July 8 ng hapon, Sabado pagkatapos ng Wish Ko Lang

Nagimbal ang marami sa karumal-dumal na krimeng naganap sa tirahan ng pamilya Carlos sa North Ridge Royale Subdivision sa bayan ng San Jose Del Monte, Bulacan. Sa isang iglap, limang buhay ang kinitil. Ang limampu’t tatlong taong gulang na si Auring, ang dalawampu’t siyam taong gulang na si Estrella, at tatlong mga bata, sina Donnie, siyam na taong gulang, Ella, anim na taong gulang at Dexter Jr., isang taong gulang.

 


Hindi inasahan ng amang si Dexter na ang iniwan niyang kumpletong mag-iina, daratnan niyang wala nang mga buhay sa sarili nilang tirahan!

Paano nga ba nangyari ang brutal at malagim na Bulacan Massacre? Ano ang mga pangyayari at ebidensyang nagbigay daan para tuluyang makilala ang mga nasa likod ng nangyaring krimen?

‘Wag palampasin ang detalyado at komprehensibong paglalahad ng Imbestigador ngayong Sabado, July 8 pagkatapos ng Wish ko Lang.