Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

Kaso ng pagpatay sa 16-anyos na dalaga, sisiyasatin sa 'Imbestigador'


ANG PAGPASLANG KAY MYZZA PAZ
Sa pagganap nina Kim Rodriguez, Maureen Larrazabal at Epi Quizon
June 10, Sabado ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang
 
 
Siya ang 16 anyos na si Myzza Paz.
Biktima ng brutal na krimen sa sarili nilang tirahan!
 

Panganay sa tatlong magkakapatid ang labing-anim na taong gulang na si Myzza. Idolo siya ng mga kapatid pagdating sa pag-aaral. Lalo ring naging malapit ang magkakapatid mula nang nangibang-bayan ang kanilang ina para magtrabaho sa Abu Dhabi.

Muling nagbalik-bansa ang ina ni Myzza pero bangkay na niyang nadatnan ang kanyang panganay. Walang habas siyang pinagtataga. Nagtamo ang dalaga ng iba’t ibang tama sa leeg, braso at maging sa maselang bahagi ng kanyang katawan.

Sino ang nasa likod ng brutal na pagpaslang sa biktima?

‘Wag palampasin ang isa na namang kaabang-abang na tampok ng nangungunang Imbestigador ngayong Sabado ng hapon, June 10 pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA! 

Tags: pr, plug, imbestigador