Kaso ng 75-anyos na lalaking pinugutan ng ulo, sisiyasatin sa 'Imbestigador'
“PUGOT LOLO”
Sa pagganap nina Tommy Abuel, Sanya Lopez, Hiro Peralta
June 3, Sabado ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA
Si Epifanio Grepo, 75 anyos, pinugutan ng ulo.
Bakit niya sinapit ang karumal-dumal na pagpaslang?
Pinugutan ng ulo at walang habas na pinagtataga. Ito ang karumal-dumal na sinapit ng isang sitenta’y singko anyos na matanda nitong Marso sa Tanza, Cavite. Nakilala ang biktima bilang si Epifanio Grepo.
Hindi pa rito natapos ang krimen. Inatake rin ang iba pang miyembro ng pamilya kabilang na ang dalawang anak at manugang ni Epifanio. Lahat sila, pinaghahabol ng taga.
Agad nakaresponde sa pinangyarihan ng krimen ang Tanza Police. Umalingawngaw ang putok ng baril at humantong ang isa pang hindi inaasahang karahasan.
Nakaligtas kaya ang iba pang miyembro ng pamilya Grepo? Ano ang nangyari sa suspek sa krimen? Ano ang maaaring motibo sa pag-aamok ng lalaki at ano ang kaniyang kaugnayan sa mag-anak?
‘Wag palampasin ang isa na namang kaabang-abang na tampok ng nangungunang Imbestigador ngayong Sabado ng hapon, June 3 pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA!