ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Stories that shook the nation


Episode on September 22, 2007 Saturday, 9:30 p.m. In the past seven years, Imbestigador has gripped the consciousness of Filipino viewers. The program – led by veteran broadcast journalist Mike Enriquez – has helped addressed many issues such as abuses caught by hidden camera to anomalies that seemed to have been glossed over. Action Imbestigador first became known with its breathtaking footages of actual police operations. The program caught on camera incidents such the arrest of suspected criminals and a shootout between police and members of a criminal syndicate. Rescues Imbestigador has featured the dramatic reunion of people with their missing relatives. The program has also taken part in rescuing family members caged like animals by their own relatives, minors who eloped, and even children who were the subject of a custody battle. Anomalies and corruption Imbestigador has also put the spotlight on cases of corruption and the malversation of public resources, whether it be barangay (village) funds or the government’s budget. The program has exposed anomalies with its meticulous scrutiny of documents. Quack doctor perils Shaving blades used in surgery, the use of spittle and ointments with strange ingredients, these are among the tools and procedures resorted to by quack doctors. Imbestigador has exposed its share of fake healers who pose a danger to their own patients. Spoiled food Imbestigador has exposed the manufacture and sale of spoiled food such as longganisa, taho, cooking oil, chicharon, and sugar. The program has been vigilant in doing its share to protect consumers from food prepared in unhealthy or even filthy conditions. Caught on camera With the use of hidden cameras, Imbestigador has had numerous exposés, such as a group of policemen using the illegal drug shabu right inside a police precinct, fake doctors and lawyers, the brazen use of drugs in communities, and many others. Reports Imbestigador has also shown the new face of poverty, from fake beggars to those who sell their organs. Watch these stories marking Imbestigador's seventh year on Saturday, 9:30 p.m., on GMA.
Tatak-Imbestigador: Mga kwentong yumanig sa bayan! Sa loob ng pitong taon, isang programa ang yumanig sa kamalayan ng mga Pilipino. Mula sa mga abusong huling-huli ng hidden camera hanggang sa mga anomalyang inakalang wala ng solusyon, Imbestigador ang tanging naging takbuhan ng mamamayan. Kaya naman ang programa ni Mike Enriquez nakilala bilang nag-iisang Sumbungan ng Bayan. Sa patuloy na pagdiriwang ng ika-pitong anibersaryo ng Imbestigador, panoorin ngayong Sabado ng gabi ang mga kwentong pinag-usapan ng bayan! Mga kwentong walang duda, Tatak-Imbestigador! Maaksiyong solusyon Ratratan, habulan, at sigawan - mga eksenang mala-pelikula at makapigil-hininga – dito unang nakilala ang Imbestigador. Kasama ng otoridad, nakukunan ng Imbestigador ang aktuwal na police operation magmula sa paghuli ng mga lumabag sa batas hanggang sa mga engkuwentro sa pagitan ng pulis at mga sindikato. Wagi sa pagbawi Ang mga madramang pagbawi sa mga nawawalang kaanak ay naging bahagi na ng pagtatanghal ng Imbestigador. Pati na rin ang pagsagip sa mga pinagkaitan ng kalayaan - mga miyembro ng pamilya na itinataling parang hayop, mga menor de edad na nagtatanan o di kaya’y pinag-aagawang bata. Anomalya at katiwalian Ang nakakapanggigil na pagsisiwalat tungkol sa pagnanakaw sa kaban ng bayan ay hindi rin tinantanan ng Imbestigador - mapa-pondo man ito ng barangay o milyun-milyong budget ng gobyerno. Sa masusing pagsisiyasat at pag-aaral sa mga dokumento, maraming mga abusadong opisyal ang nabisto. Peligro sa albularyo Blade na pang-opera, sipsip at dura, dukot at pahid, samahan pa ng samu’t saring raket, gimik, at kakaibang paniwala sa panggagamot. Sandamakmak na manggagamot na ang ibinulgar ng Imbestigador. Kadalasan, sa halip na ginhawa perwisyo’t peligro ang dulot nila. Lagot ang dugyot Sa almusal – may dugyot na longganisa, taho at pandesal. Sa tanghali – may nanggigitatang mantika at botyang baboy. Pagdating ng meryenda – marumi ang asukal at kadiri ang chicharon. Sa hapunan kumain na lang kayo sa labas pero dugyot din pala ang restawran. Pagdating sa paglabag sa kalinisan lalo pa’t pagkain ang pinag-uusapan, di mauunahan sa pambibisto ang Imbestigador. Huli sa kamera Sino nga ba ang nagpa-uso ng paggamit ng hidden camera sa bansa? Hindi na mabilang ang nabulgar ng Imbestigador na huling-huli sa akto: may pulis na nagsa-shabu sa loob mismo ng presinto; may mga pekeng duktor, dentista at abugado; may talamak na bentahan ng droga; at iba pang kalokohang sa kamera ng Imbestigador lang makikita. Ulat na pangmulat Bagong mukha ng kahirapan, mga nagbebenta ng parte ng katawan, katapatan at pumupurol na utak, gumigimik na namamalimos, at pagsusuri sa kapulisan – ilan lamang ito sa mga isyung ipinakita ng Imbestigador na yumanig at nagmulat sa bayan. Huwag palampasin ang Imbestigador, sa pangunguna ni Mike Enriquez, sa ika-22 ng Setyembre, Sabado, 9.30 ng gabi, sa GMA.
Tags: imbestigador