Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

Kaso ng pagpatay sa isang opisyal ng unibersidad, sisiyasatin sa 'Imbestigador'


Best Investigative Program, 2017 Gawad Tanglaw
Best Investigative Program, 2017 NwSSU Students’ Choice Awards for Radio and Television (NSCART)
Best Investigative Program, 2017 Paragala Awards
MIKE ENRIQUEZ, HALL OF FAME, GAWAD BAGANI SA KOMUNIKASYON 2017
Gawad Para sa Makabagong Mandirigma Sa Larangan ng Radyo at Telebisyon


“PROF. D”
Sa pagganap nina Gabby Eigenman, Kyle Vergara at Hiro Peralta
April 22, Sabado ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang

 

Isang lalaking naka-sumbrero at may dalang backpack.
Ito ang rumehistro sa CCTV malapit sa tirahan ng biktima.
Ano ang kinalaman niya sa pagpaslang kay Prof. Alfredo Dimaano?

Karaniwang maagang nagigising si Professor Alfredo Dimaano, isang opisyal ng unibersidad sa Marikina. Pero noong umaga ng ika-15 ng Marso, ipinagtaka ng kasambahay na si Glen na hindi pa bumababa ng kuwarto ang amo. Inakyat ni Glen si Prof sa kanyang silid. Dito ay tumambad sa kanya ang kalunos-lunos na kalagayan ng biktima. Tadtad ng saksak at napuluputan ng kumot sa leeg.

 


Pala-kaibigan at matulungin daw si Prof. D. kung tawagin. Katunayan, may ilan siyang natulungang makapag-aral. Kaya naging palaisipan para sa mga otoridad kung bakit niya sinapit ang krimen.

 

Pero sa kuha ng closed circuit television camera o CCTV, rumehistro ang isang lalaking nanggaling umano sa bahay ng biktima. Kinilala ito ng kasambahay na si Glen. Pero sa pag-usad ng imbestigasyon, hindi lang ang lalaking nasa CCTV ang itinuring na suspek kundi maging ang sariling kasambahay ng biktima. May kinalaman kaya sila sa krimen? Bakit nga rin ba nadiin sa krimen ang unang itinuring na testigong si Glen?

‘Wag palampasin ang isa na namang kaabang-abang na tampok ng nangungunang Imbestigador ngayong Sabado ng hapon, April 22 pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA!