Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

Kaso ng pagpatay sa isang ginang sa Quezon, sisiyasatin sa 'Imbestigador'


Best Investigative Program, 2017 Gawad Tanglaw
Best Investigative Program, 2017 NwSSU Students’ Choice Awards for Radio and Television (NSCART)
Best Investigative Program, 2017 Paragala Awards
MIKE ENRIQUEZ, HALL OF FAME, GAWAD BAGANI SA KOMUNIKASYON 2017
Gawad Para sa Makabagong Mandirigma Sa Larangan ng Radyo at Telebisyon

‘HINALA’

 

Sa pagganap nina Meg Imperial, Glenda Garcia, Lance Serrano at JC Tiuseco
April 8, Sabado ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang

 


Labingdalawang taon ng nagsasama sina Jessa at Marcial. Biniyaan sila ng apat na supling. Labingpitong taon namang kasal ang mag-asawang Tina at Obet. May apat din silang mga anak. Magkapitbahay at malapit na magkaibigan ang dalawang pamilya. Pero ang mabuti nilang pagkakabigan nila, may lamat pala.

 


Nitong Marso lamang, brutal na pinaslang si Jessa. Pinagsasaksak siya sa harap ng kanyang mga anak. Mahigit dalawampung saksak ang tinamo niya. Mabilis na nagtago ang taong responsable sa krimen. Pero dahil nakita siya ng dalawang anak ng biktima, nakilala ang suspek. Ayon sa kanila, ang malapit na kaibigan ng pamilya na si Tina ang pumatay kay Jessa.

 


Ano nga ba ang nag-udyok kay Tina para patayin ang kaibigang si Jessa? Ano ang puno’t dulo ng pagkakaibigang nauwi sa malagim na krimen?

‘Wag palampasin ang isa na namang kaabang-abang na tampok ng nangungunang Imbestigador ngayong Sabado ng hapon, April 8 pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA!
Tags: pr, plug, imbestigador