Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

Kaso ng pagpatay sa isang 9-anyos na babae, sisiyasatin sa 'Imbestigador'


 

‘INSAN
Sabado ng hapon, January 28 pagkatapos ng Wish Ko Lang
Sa pagganap nina Dayanara Shane Labutap, Rodjun Cruz, Epi Quizon at Neil Ryan Sese

 


Ang siyam na taong gulang na si Ara, natagpuang nakaipit sa pagitan ng dalawang tubo ng tubig at may marka ng sugat sa leeg.
Sinakal hanggang siya ay malagutan ng hininga.
Sino ang nasa likod ng krimen?


Siya ang batang si Ara. Natagpuang nakaipit ang bata sa pagitan ng dalawang tubo ng tubig at may marka ng sugat sa leeg. Sinakal si Ara hanggang siya ay malagutan ng hininga.

Magpinsang-buo sina Gilbert at Albert. Pero nang dahil sa isang krimen, nasubok ang relasyon nila bilang magkadugo.

Ikatlo ng Enero ngayong taon, isang bangkay ng batang babae ang natagpuan sa Barangay Caluluan, Bayan ng Concepcion, Tarlac. Siya ang batang si Ara. Natagpuang nakaipit ang bata sa pagitan ng dalawang tubo ng tubig at may marka ng sugat sa leeg. Sinakal si Ara hanggang siya ay malagutan ng hininga.

Kabilang sa mga inimbestigahan ng mga pulis ang mga kapitbahay nina Ara – ang magpinsang Albert at Gilbert. Sa sinumpaang salaysay ni Albert, sinabi niyang ang sarili niyang pinsan na si Gilbert ang pumaslang sa batang si Ara. Pero si Gilbert naman, ang pinsang niyang si Albert na nag-aakusa sa kanya ang tingin niyang gumawa ng krimen.

Testigo o suspek nga ba ang magpinsan? Sino sa kanila ang tunay na salarin?  May kinalaman nga ba sila sa nangyaring pagpatay sa batang si Ara?

‘Wag palampasin ang nangungunang Imbestigador ngayong Sabado ng hapon, January 28 pagkatapos ng Wish Ko Lang!
Tags: pr, plug, imbestigador