Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Kaso ng dalagang chinop-chop sa Cavite, sisiyasatin sa 'Imbestigador'
“CHOPCHOP LADY”
Sa pagganap nina Kim Rodriguez, Phytos Ramirez at Allan Paule
Sabado ng hapon, January 21 pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA
Isang kahina-hinalang sako at kahon ng electric fan ang natagpuan sa gilid ng kalsada sa Trece Martirez, Cavite nito lamang ika-anim ng Enero. Nang buksan ang mga ito, pinagpira-pirasong katawan ng babae pala ang laman. Hinati sa pitong bahagi ang katawan ng biktima - pugot ang ulo, putol ang dalawang braso, hati ang itaas at ibabang bahagi ng katawan at pinutol din ang kanyang dalawang binti.
Nakilala ang biktima na si Mitzi Joy Balunsay, labing pitong taong gulang, nasa ikalawang taon sa kolehiyo at panganay sa apat na magkakapatid.
Sa pagkakahati ng bangkay, tila bihasa raw sa pagkatay ang gumawa ng krimen. Kaya naman masusi ang ginawang imbestigasyon ng mga pulis. Mula sa mga trabahador sa isang katayan, kaibigan, kakilala, kaklase at mga nanalo sa raffle ng electric fan, naging “persons of interest”. Umabot sa halos 40 katao ang inimbestigahan ng mga otoridad kaugnay ng brutal ng krimen. Hanggang tuluyang natukoy ang taong responsable sa karumal-dumal na sinapit ni Mitzi Joy. Sino ang pumatay kay Mitzi Joy? Aamin kaya siya sa malagim na krimeng kanyang ginawa?
‘Wag palampasin ang nangungunang Imbestigador ngayong Sabado ng hapon, January 21 pagkatapos ng Wish Ko Lang!
More Videos
Most Popular