Kaso ng pagpatay sa isang dalaga, sisiyasatin sa 'Imbestigador'
_2016_12_10_04_03_29.jpg)
BAKAS NG DUGO
Sabado ng hapon, December 10 pagkatapos ng Wish Ko Lang
Sa pagganap nina Kim Rodriguez, Allan Paule at Efren Reyes
_2016_12_10_04_02_53.jpg)
Ika-dalawampu’t dalawa ng Nobyembre, natagpuang nakabulagta sa kanal sa gilid ng palayan ang labing pitong taong gulang na si Pauline. Nakasubsob ang katawan ng dalaga, duguan at halos hindi na makilala. Wala rin siyang saplot pang-ibaba.
‘Di kalayuan kung saan siya natagpuan, umagaw sa pansin ng mga otoridad ang mahalagang ebidensiyang nag-ugnay sa nangyaring krimen. Napansin nila ang mga bakas ng dugo na nagkalat mula sa pinagtapunan sa biktima patungo sa isang lugar. Sinundan ng mga otoridad ang mga bakas ng dugo na umabot sa mahigit isang kilometro. Hanggang dinala sila sa dulo nito at nauwi sa isang bahay.
Paano nakatulong sa imbestigasyon ang natagpuang mga bakas ng dugo? Kaninong bahay ang natunton ng mga otoridad? Sino ang nasa likod ng brutal na pagpaslang sa dalaga?
_2016_12_10_04_03_11.jpg)
‘Wag palampasin ang nangungunang IMBESTIGADOR ngayong Sabado ng hapon, December 10 pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA!