Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

Kaso ng pagchop-chop sa isang lalaki sa Capiz, sisiyasatin sa 'Imbestigador'


 


“CHINOPCHOP NA AMA”
Sabado ng hapon, November 26 pagkatapos ng Wish Ko Lang
Sa pagganap nina Roi Vinzon, Ian De Leon at Dexter Doria

Ika-12 ng Setyembre taong kasalukuyan, isang karumal-dumal na krimen ang bumalot sa tirahan ng pamilya Ocate sa Jamindan, Capiz.

 



Pinuntirya ang mag-asawang Jose at Editha matapos silang pagtangkaang tagain. Nagkulong sila sa loob ng bahay kasama ang tatlo nilang apo habang patuloy na pinagtataga ang kanilang bahay. Nakakuha ng pagkakataon si Jose na lumabas para humingi sana ng saklolo. Pero hindi pa man siya nakalalayo, nagpasiya siyang bumalik dala na rin ng pag-aalala sa asawa at mga apo.

Sa kanyang pagbabalik, ito na pala ang simula ng malagim na pagwawakas ni Jose. Walang habas siyang pinagtataga sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Pinutulan siya ng kamay at sakong hanggang tuluyan siyang pinugutan ng ulo!

Sino ang maysala sa brutal na krimen? Nakaligtas pa kaya ang asawa at mga apo ni Jose?

‘Wag palampasin ang Imbestigador ngayong Sabado ng hapon, November 26 pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA!