Pagkamatay sa Davao ng isang batang isinilid sa sako, sisiyasatin sa 'Imbestigador'
Sa loob ng sako, walang awing isinilid ang isang batang tatlong taong gulang lamang. Nagpumiglas, nagmakaawa at humingi ng saklolo ang batang si “Michael”. Pero tila walang nakarinig sa kanya. Mahigit isang oras siyang nakasako. Matapos nito, unti-unting tumahimik ang bata hanggang tuluyan na siyang hindi gumalaw.
Nang buksan ang sako, tumambad ang wala nang malay na si “Michael”. Itinakbo siya sa pagamutan pero idineklara siyang “dead on arrival”. Unang inakalang nalunod ang bata. Pero sa pagtatanong sa pitong taong gulang na kapatid ni “Michael”, nabulgar ang buong katotohanan sa pagkamatay ng batang tatlong taong gulang.
Ano ang mga nasaksihan ng kapatid ni “Michael”? Sino ang tutukuyin niyang may kagagawan sa pagpatay sa kanyang kapatid?
‘Wag palampasin ang Imbestigador ngayong Sabado, Sept. 24 pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA!