Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

Kaso ng pagpatay sa isang dalaga sa Mindoro, sisiyasatin sa 'Imbestigador'


Ibinalot sa kumot, pinuluputan ng tape at wire ang buong katawan. Ito ang kalunos-lunos na hitsura ng bangkay na natagpuan sa Mindoro kamakailan.

Siya si Queence Delos Reyes. Ang maamo at maganda niyang mukha, halos hindi na nakilala. Tadtad ng saksak ang buo niyang katawan. Dahil sa paraan ng pagpaslang, inakalang biktima ng summary execution si Queence. Naging usap-usapan na baka may kinalaman sa droga ang ginawang pagpatay. Pero lumabas na hindi sangkot sa pagbebenta o paggamit ng iligal na droga si Queence. Kaya naging palaisipan sa mga otoridad ang dahilan ng karumal-dumal na krimen. Hanggang isa-isa lumutang ang mga ebidensiya at nadawit sa krimen ang isang taong malapit sa kanya.

Ano ang ilalantad ng imbestigasyon? Biktima nga ba si Queence ng summary execution o crime of passion?

‘Wag palampasin ang Imbestigador ngayong Sabado, August 20 sa GMA!

Tags: imbestigador