Kaso ng pagpatay sa isang buntis sa Quezon, sisiyasatin sa 'Imbestigador'

Sa daan, isang lalaking may hawak na itak ang humarang sa magkaibigang Lyca at Michelle.

Kumaripas ng takbo ang dalawa hanggang nagkahiwalay sila ng landas. Sa kasamaang palad, inabutan ng lalaki ang limang buwang buntis na si Lyca. Pinagtataga si Lyca hanggang tuluyan siyang bawian ng buhay.


Pinalad namang nakaligtas si Michelle. Pero dala ng takot, pinili niyag manahimik noong una. Hanggang dinalaw at nagpakita raw kay Michelle si Lyca. Matapos nito, tuluyang isiniwalat ni Michelle sa mga awtoridad ang pinagdaanan nila ng kaibigang si Lyca at pinangalanan ang taong humabol sa kanila at pumatay kay Lyca. Sino ang suspek at ano ang motibo niya sa krimen? Paano nakaligtas si Michelle sa kapahamakan?

Sundan ang kabuuang kuwento sa Imbestigador ngayong Sabado, August 13 bago ang 24 Oras Weekend!
Need a wellness break? Sign up for The Boost!
Stay up-to-date with the latest health and wellness reads.
Please enter a valid email address
Your email is safe with us