Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

Kaso ng pagpatay sa 'childhood sweetheart', aalamin sa 'Imbestigador'


 

“CHILDHOOD SWEETHEARTS”
July 9, 5:15PM


“Childhood sweethearts” sina Rose Anne at Jay. Nauwi sa kasalan at nagbunga ng dalawang anak ang kanilang pagmamahalan. Pero sinubok ng tukso ang kanilang pagsasama. Minsang nahumaling si Jay sa isang babae. Nagkalamat man ang relasyon ng mag-asawa, nauwi ito sa kapatawaran. Hanggang isang krimen ang tuluyang nagpahiwalay sa mag-asawa.



Sa kalaliman ng gabi, habang mahimbing silang natutulog, isang estranghero ang gumising sa kanila. Inihagis nito ang isang granada sa bahay ng mag-asawa kasunod ng alingawngaw ng putok ng baril. Sa isang iglap, napatay si Jay. Ang ginawang pagpaslang, nasaksihan mismo ng kanyang asawang si Rose.


Sino ang pumatay sa biktima? Ano ang motibo sa krimen?

‘Wag palampasin ang Imbestigador ngayong Sabado ng hapon, July 9 sa GMA!