Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga batang tawid-ilog papasok sa eskuwelahan, tampok sa 'AHA!'


 


Mga Bata sa Binit Kang Suba
(Mga Bata sa Tabing-Ilog)
6th Anniversary Special Episode
Linggo, June 26
8:15 AM sa GMA-7

"Ngayon ko lang naranasan ang ganitong pag-akyat. ’Di ito biro!  At ginagawa nila ito araw araw."

Iyan ang nasabi ni AHA! host Drew Arellano sa pagbisita niya sa isang komunidad sa Bukidnon para alamin kung gaano kahirap abutin ang maayos na edukasyon para sa mga estudyanteng nakatira sa mga liblib na lugar.

 


Sa unang araw ng eskuwela, sinamahan ng soon-to-be-daddy host ang mga   batang tumatawid sa delikadong ilog ng Cagayan de Oro gamit ang isang balsa at umaakyat ng matarik na bundok bago makarating sa kanilang pampublikong eskuwelahan sa CDO.

 


Ano-ano ang mga pang-araw-araw na pakikipagsapalaran at peligro na nakaabang sa mga bata? Paano kaya nagtutulungan ang kanilang mga magulang at komunidad para suportahan ang masidhing pagnanasa ng mga bata na makapag-aral? Ano kaya ang simpleng suporta na maibibigay ng AHA! para sa kanila?

 


Sa 6th anniversary special episode ng AHA!, samahan si Drew na alamin ang kahanga-hangang kuwento ng mga batang handang harapin ang kahit anong pagsubok makamit lang ang edukasyon na inaasam-asam na kung tutuusin naman ay karapatan ng lahat ng bata.

Abangan ‘yan ngayong Linggo sa AHA! 8:15 AM sa GMA-7.

Tags: aha, prstory, plug, plugs