Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kaso ng babaeng isinilid sa drum, tututukan ng 'Imbestigador'


 


Babae sa Drum
Sabado, May 21
pagkatapos ng CelebriTV sa GMA-7

Sa Ilog Pasig, isang kahina-hinalang drum ang natagpuang palutang-lutang. Nang ito’y buksan, tumambad ang bangkay ng isang babae. Wala siyang saplot pang-itaas, nakatali ang mga kamay at paa, may balot ang mukha at may tali sa leeg.

 


Kinilala ang biktima na si Adora Lazatin, 56 anyos, taga-Bacoor, Cavite.

Sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation, kalauna’y nasukol ang mga akusado na kinabilangan ng tatlong pulis.

 


Mula sa pamilya ng biktima at mga nag-imbestiga sa kaso, sundan ang komprehensibong paglalahad sa kaso ng “Babae sa Drum.”

Ano ang nagbunsod sa karumal-dumal na pagpatay sa biktima? Sino at ano ang katauhan ng mga pulis na sangkot sa kaso?

Huwag palampasin ang Imbestigador ngayong Sabado, May 21 sa GMA-7!