Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

Kaso ng babaeng chinop-chop at isinilid sa kahon, sisiyasatin sa 'Imbestigador'


 

"Babae sa Kahon"
Imbestigador
Sabado, April 30
Pagkatapos ng CelebriTV
Sa pagganap nina Kim Rodriguez, Renz Fernandez at Jeric Gonzales

Sa loob ng isang kahon, misteryosong laman ang natuklasan. Hindi regalo kundi isang bangkay ang natagpuang nakasilid sa loob ng kahon. Ito ang bumulabog sa Barangay Poblacion sa Lapu-Lapu, Cebu kamakailan.

 


Nang buksan ang kahon, tuluyang tumambad ang kalunos-lunos na sinapit ng biktima. Pinira-piraso ang katawan, may lubid na nakatali sa kanyang leeg at halos hindi na makilala ang bangkay.

 


Pero dahil sa kanyang mga kaibigan, natukoy ang pagkakakilanlan ng biktima. Siya si Merimie Caburnay, 20 taong gulang. Sa tulong naman ng mga nakunan ng closed circuit television camera o CCTV, nabunyag ang mga taong posibleng may kinalaman sa malagim na krimen.

 


Ano ang tunay na sinapit ni Merimie? Bakit siya nasa loob ng kahon? Sino ang mga taong nakunan sa CCTV? Ano ang kanilang kinalaman sa brutal na pagpaslang sa biktima?

 


‘Wag palampasin ang Imbestigador ngayong Sabado, April 30 pagkatapos ng CelebriTV!