Kaso ng brutal na pagpatay sa isang pamilya sa QC, sisiyasatin ng 'Imbestigador'
Minasaker na Pamilya
Sa pagganap nina Nonie Buencamino, Lovely Rivero at Karl Medina
Sabado April 9, 2016
Pagkatapos ng CelebriTV sa GMA-7

Tahimik at simple ang pamilya Villanueva sa Quezon City hanggang bulabugin ang mag-anak ng brutal na krimen. Sa isang iglap, ang pamilyang dating buo, nauwi sa pagkalagas ng dalawa.


Madaling araw ng Pebrero ng taong kasalukuyan, walang nag-akalang magiging biktima ng malagim na krimen ang mag-anak. Sa loob mismo ng sarili nilang tirahan, inatake ang buong pamilya. Ama, ina at anak - pinagpapalo ng tubo sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan.
Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-inang Princesita at bunsong anak na si Christian. Himala namang nakaligtas si Ruben, ang padre de pamilya.

Sa pagkakaligtas ni Ruben, handa na niyang ilantad ang mapait na dinanas ng kanyang pamilya. Ano ang motibo at sino ang mga nasa likod ng krimen? Mapanagot kaya sila ng batas?
‘Wag palampasin ang mga rebelasyon sa Imbestigador ngayong Sabado, April 9, pagkatapos ng CelebriTV sa GMA!