Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

Kaso ng ginang na chinop-chop, sisiyasatin sa 'Imbestigador'


Chop-chop Wife
Sabado, March 12
pagkatapos ng CelebriTV at bago ang 24 Oras Weekend

 


Sila ang mag-asawang Tony at Rowena Kuo. Nagkaibigan hanggang tuluyang nagpakasal. Halos dalawampung taon nang nagsasama. May apat silang mga anak. Pero ang minsang matamis nilang pagmamahalan, nauwi sa nakagigimbal na pagtatapos.

 

Ang mainit na pagtatalo, nauwi sa nakagigimbal na pagpatay at kahindik-hindik na pagpira-piraso sa katawan ng biktima! Ito ang malagim na sinapit ng ginang na si Rowena Kuo, 47 taong gulang.

 

Sa isang plastic, natagpuan ang pugot niyang ulo. Sa bodega, natagpuan naman ang ilan pang pinaghiwa-hiwalay na bahagi ng katawan habang ang iba pang piraso ng katawan, narekober sa poso negro!

Tinangkang itago ng suspek ang krimen pero hindi siya nagtagumpay. Hanggang tuluyan niyang inamin ang brutal na krimeng kanyang nagawa. Ang suspek: ang sariling mister ng biktima – ang dayuhang si Tony Chang!

Paano nauwi sa mapait na pagtatapos ang minsang matamis na pagmamahalan ng mag-asawang Tony at Rowena?

Sa pagganap nina Thea Tolentino, Jackielou Blanco at Rez Cortez, buong-buong ilalahad ang kuwento ng “Chopchop Wife” sa Imbestigador ngayong Sabado pagkatapos ng Celebri TV at bago ang 24 Oras Weekend.