Kaso ng pagpatay sa isang balikbayan, tututukan ng 'Imbestigador'

Balikbayan
Sabado, March 5
pagkatapos ng Wish Ko Lang
Siya si Nenita Adaoag, isang Overseas Filipino Worker. May asawa at dalawang anak. Piniling mangibang-bayan para sa kinabukasan ng pamilya. Matapos ang mahigit sampung taon sa London, muli siyang nagbalikbayan. Pero sa kanyang pag-uwi, brutal na kamatayan ang sumalubong sa kanya. At ang itinuturong utak – ang sarili niyang asawa!
_2016_03_03_18_23_36.png)
Ika-siyam ng Pebrero 2016, walang nag-akalang bubulabugin ng malagim na krimen ang payapang tirahan ng pamilya ng balikbayang si Nenita.
Sa kuha ng CCTV camera, naaktuhang pumasok ang isang estrangherong lalaki sa bahay ng mag-anak. Matapos nito, inundayan ng saksak ng lalaki si Nenita. Dahil sa mga tinamong saksak, tuluyang binawian ng buhay si Nenita.


Naging mabilis ang takbo ng kaso. Dalawang oras matapos ang krimen, nasakote ng mga otoridad ang lalaking nakunan sa CCTV na responsable sa pagpatay sa balikbayan. Umamin ang suspek sa krimen. Pero sa pagpapatuloy ng imbestigasyon, ikinagulat ng lahat ang mga mas matindi pang rebelasyon. Nagpakilalang “hired killer” ang suspek at inutusan lamang daw siya para patayin si Nenita. Ang itinuro niyang umarkila sa kanya – ang sariling asawa ng biktima!

Ano ang tunay na motibo sa krimen? Ang sariling asawa nga ba ni Nenita ang tunay na nasa likod ng pamamaslang sa kanya?

Ilalantad na ang buong kuwento sa Imbestigador ngayong Sabado, March 5 pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA!