Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Kaso ng ginang na binihag at kinuryente sa sariling bahay, sisiyasatin sa 'Imbestigador'
KURYENTE
October 3, Sabado
pagkatapos ng CelebriTV sa GMA
Binihag. Sinaksak. Kinuryente. Sa loob ng sarili nilang bahay, ganito ang kahindik-hindik na sinapit ni Marivic Rodriguez sa Barangay Old Cabalan, Olongapo noong ika-12 ng Agosto, 2015.
Habang nasa bahay, maingay na sigaw ang pumukaw sa pansin ni Cesar. Kumaripas ng takbo si Cesar dahil boses ng anak na si Marivic ang tinig na nanghingi ng saklolo. Hindi inasahan ni Cesar ang kanyang madadatnan. Ang anak niyang si Marivic – pinagsasaksak at kinuryente.
Nauwi sa hostage-taking ang madugong krimen. Kung anu-anong hiling ang hiningi ng suspek mula sa mga negosyador. Sa panig ng mga awtoridad, nakiusap silang marinig ang boses ni Marivic para masigurong maayos pa ang kanyang lagay. Pero nakabibinging katahimikan ang sagot mula sa loob ng bahay.
Buhay pa kaya si Marivic? Sino ang gumawa ng krimen laban sa kanya?
Abangan ang Imbestigador ngayong Sabado, October 17, 5PM pagkatapos ng CelebriTV!
Tags: prstory, olongapocity
More Videos
Most Popular