Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs
Kaso ng 8-anyos na batang chinop-chop, tampok sa 'Imbestigador'
8-ANYOS NA BATA, CHINOP-CHOP
Sabado, Abril 25
pagkatapos ng Startalk at bago ang 24 Oras Weekend
pagkatapos ng Startalk at bago ang 24 Oras Weekend

Hiwa-hiwalay na natagpuan ang mga bahagi ng kaniyang katawan. Unang nakita ang mga putol niyang kamay at paa. At sa isang hukay naman, tumambad ang katawan at pugot na ulo ng biktima. Ito ang brutal at karumal-dumal na kamatayang sinapit ng batang si Mary Ann Abucijo, edad walong taong gulang, tubong Guian, Eastern Samar.

Bago natagpuan, labing-apat na araw na nawala ang bata. Puspusan siyang hinanap ng mga kamag-anak, pero bigo sila. Hanggang nakita rin ang bata. Pero kalunos-lunos na ang natuklasang dinanas niya.
Bakit sinapit ng batang otso anyos lamang ang karumal-dumal na krimen? Sino ang may kagagawan sa brutal na pagpaslang?
Sa pagganap nina Mona Louise Rey, Gwen Zamora at Enzo Pineda, ilalantad na ang mga kasagutan sa misteryosong pagkamatay ng “Batang Chopchop” sa Guian, Easter Samar.






Huwag palampasin ang Imbestigador ngayong Sabado, Abril 25, pagkatapos ng Startalk sa GMA-7!
More Videos
Most Popular