Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Misteryosong pagkamatay ng isang ginang, sisiyasatin ng 'Imbestigador'
“Lason” sa Imbestigador
Sabado, January 24
pagkatapos ng Startalk at bago ang 24 Oras Weekend
Ang simpleng pananakit ng tiyan, nauwi sa pagkaratay sa ospital hanggang nagdulot ng kaniyang kamatayan. Ito ang sinapit ng maybahay na si Corazon “Baby” Salvador. Ikinagulat ng buong pamilya ang kaniyang dinanas. Wala raw kahit anong sakit ang ginang. Pero isang araw, bigla na lang siyang namilipit sa sakit ng tiyan at dumaing ng pamamanhid ng katawan. Sa halip na bumuti, lumala ang kalagayan ni Corazon hanggang tuluyan siyang bawian ng buhay.
Sa pagnanais ng pamilya na malaman ang misteryo sa pagkamatay ni Corazon, ipina-otopsiya ang kaniyang bangkay. Isang matinding rebelasyon ang nabunyag! Lumabas na ang ikinamatay ni Corazon – “asphyxia by ingestion of toxic substance” o pagkalason.
Para sa kaniyang pamilya, matindi ang paniniwala nilang hindi aksidente ang nangyari. Nilason nga ba si Corazon “Baby” Salvador? Sino ang posibleng may kagagawan sa krimen? At ano ang maaaring dahilan ng pinaniniwalaang pagpatay sa biktima?
Huwag palampasin ang Imbestigador ngayong Sabado ng hapon, January 24, pagkatapos ng Startalk at bago ang 24 Oras Weekend.
More Videos
Most Popular