Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Edejer massacre' sa 'Imbestigador' ngayong Sabado



Ngayong Sabado, eksaktong isang taon mula nang maganap ang tinaguriang “Edejer Massacre”. Pero hanggang ngayon, nananatiling balot ng misteryo ang karumal-dumal na krimeng gumimbal sa lalawigan ng Pampanga.
 
September 20, 2013 – pinasok ang bahay ng pamilya Edejer na nasa isang subdivision sa San Fernando, Pampanga. Walang pinalagpas ang mga salarin. Lahat ng mga taong nasa loob ng bahay nang mga panahong iyon – inasinta ng bala sa ulo. Namatay ang mag-asawang Nicolas at Corazon, ang panganay nilang anak na si Kenneth, pamangking si Nelson, dalawang kasambahay at isang masahistang tiyempong ipinatawag lang ng mag-asawa noong araw na maganap ang krimen.

 
Binuo ang “Task Force Edejer” ng Philippine National Police para tutukan at imbestigahan ang kaso sa likod ng nangyaring massacre.  Pero hanggang ngayon, hindi pa rin nalulutas ang kaso at patuloy ang pagsigaw ng hustisya ng mga kamag-anak at kaibigan ng pitong biktima.
 
Ano ang nangyari sa bahay ng mga Edejer noong araw na iyon? Ano ang tunay na motibo ng mga suspek sa nangyaring pamamaslang? Sino ang maaaring nasa likod ng Edejer Massacre?

 
‘Wag palagpasin ang Imbestigador ngayong Sabado ng hapon, pagkatapos ng Startalk at bago mag-24 Oras Weekend.