Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Calumpit rape-slay, sisiyasatin sa 'Imbestigador'
THE ANRIA GALANG ESPIRITU RAPE SLAY
Kinadena, binusalan, sinaksak, ginahasa, pinatay.
Umaga ng Agosto 14, ikinagulat ng ilang residente ang kanilang natagpuan sa matubig na palayan sa liblib na bahagi ng Barangay Sapang, Calumpit, Bulacan. Isang babaeng nakadapa sa tubig, nakakuyom ang parehong palad, duguan at wala nang buhay. Kinilala ang biktima na si Anria Galang Espiritu, dalawampu't anim na taong gulang.
Sa ‘di kalayuan, nakita ang ilang ebidensiyang pinaniniwalaang ginamit sa pagpatay sa dalaga kabilang ang kadena at screw driver. Ilang metro lang din ang layo mula sa katawan ni Anria, natagpuan ang isang underwear na may bahid ng dugo. Sa paunang imbestigasyon ng mga otoridad, lumabas na hindi lamang iisang tao ang may kagagawan sa karumal-dumal na krimen.
Sa tulong ng mga lumutang na saksi, natukoy ang mga suspek. Nasakote ng mga pulis ang tatlo at may isa pang pinaghahanap hanggang ngayon.
Samahan ang Imbestigador sa paghahangad ng katarungan at pakikiisa sa panawagan ng pagtatapos sa patuloy na pagdagdag ng papahabang listahan ng mga biktima ng walang saysay na karahasan.
More Videos
Most Popular