Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Pusoy Dos: Kuwento ng pamamaslang dahil sa sugal
Ang kuwentong ito ay ang kasong tampok ngayong araw sa "Imbestigador" at mapapanood pagsapit ng 4:45 ng hapon sa GMA-7. Ang mga larawang ginamit ay halaw sa pagsasadula ng kaso. I-like ang official Facebook page ng Imbestigador para sa updates.
Hindi lubos maisip noon ni Lenita na magbabago pa ang asawang si Eduardo o Eddie. Bukod kasi sa walang trabaho, nalulong pa ito sa alak at masamang bisyo. Kapag nasa impluwensiya nga raw ito ng ipinagbabawal na gamot, nagiging bayolente si Eddie at nananakit ng unang makita sa kanilang looban.
Dahil dito, napuno na ang salop?nakipaghiwalay na si Lenita sa asawa matapos ang limang taon nilang pagsasama. Napagpasiyahan din ng mga kapatid at magulang ni Eddie na ipakulong ito para daw matauhan. Mismong mga kaanak na ang naghabla sa kanya dahil na rin sa pananakit nito sa nakababatang kapatid. Umasa ang pamilya ni Eddie na marahil ang panahon nito sa bilangguan ang magsilbing daan para tuluyan na siyang magbago.
Makalipas ang walong buwan, nakalaya si Eddie. Kapansin-pansin daw ang pagbabago sa ugali nito. "Hindi na masyadong mainitin ang ulo niya. Kapag pinagsasabihan siya, ngumingiti na lang siya," pahayag ni Imelda, nakatatandang kapatid ni Eddie. "Dati, aawayin niya kaagad kami. Magmumura pa kaagad."
Napansin din ni Lenita ang pagbabago sa ugali ng dating asawa. Kahit hindi na raw sila magkasama, hindi nagkukulang sa pagbibigay ng suporta si Eddie pagdating sa pangangailangan ng kanilang mga anak. Sinisita rin daw ni Eddie ang mga nang-aaway sa dating misis, bagay na ikinaantig ng damdamin ng huli.
Dahil na rin sa pagbabagong ito ni Eddie, minabuti ni Imelda na gabayan ang kapatid patungo sa tamang landas. "Binigyan ko siya ng tatlumpung sisiw para alagaan niya at palakihin para mayroon siyang kaunting pagkakaperahan," sabi ng Imelda. Mainam na rin kasing magkaroon ng sariling negosyo si Eddie lalu pa't hindi naman regular ang kinikita nito sa pagiging sepulturero. Sa loob ng pampublikong sementeryo ng Bagbag sa Novaliches kasi nakatira ang pamilya nina Eddie.
Hindi inakala ng mga mahal sa buhay ni Eddie na kung kailan sana naisasaayos na niyang muli ang kanyang landas, saka naman pala siya kakabigin ng malas.
‘Di maganda ang gising
Ika-20 ng Enero, taong 2008, maagang nagising si Eddie dahil sa kamalasang bumati sa kanya. "May bata na pinagpapatay ‘yung mga alaga niya na sisiw," ani Imelda. Simula pa lang ng araw, mainit na ang ulo ni Eddie?tila pagbabadya sa mga susunod na pangyayari.
Kinahapunan, nagawi sa dako ng sementeryo kung saan nakatira sina Eddie ang magkakaibigang sina Emil “Long Hair” Calisa, Danilo “Daning Mey” Nordan, Reynaldo “Naldo” Canciller at Danny “Danny Bigas” Fariente. Taga-kabilang sulok ng sementeryo ang apat at kilala bilang mga "sunog-baga" sa kanilang lugar. "Kapag walang trabaho, madalas nag-iinuman at nagsusugal sina Daning Mey, Daning Bigas at si Long Hair," kuwento ng malapit na kamag-anak nina Eddie. "May sarili na nga silang grupo at madalas silang bumabangka sa sugal para may pang-inom sila," dagdag nito.
Noong hapong iyon, pumunta sila sa lugar nina Eddie para magsugal. "Yung anak ko at si Eddie ang nakalaro ng mga iyon. Napansin ko rin na medyo lasing ‘yung grupo nina Daning Bigas," kuwento ng bayaw ni Eddie na si Marilyn. Sa labas lang daw ng kanilang bahay naglaro sina Eddie kaya naman dinig at tanaw ni Marilyn ang mga pangyayari.
Tuluy-tuloy ang naging pag-ikot ng tagay at baraha hanggang sa tila may napansing kakaiba si Eddie. Tila nag-iipit daw ng baraha ang kasugalang si Long Hair kaya sinita niya ito. Itinanggi naman ni Long Hair ang paratang pero dismayado na si Eddie dahil sa tingin niya'y pinagkakaisahan na lang siya ng mga kalaban sa sugal.
Nagtawag ng kakampi
Tinawag ni Eddie ang nakatatanda nitong kapatid na si Boy para may kakampi siya sa laro. Pero tila iba naman ang naging pakahulugan ng grupo nina Daning Bigas sa pag-aya ni Eddie?ito na pala ang mitsa ng pagdanak ng dugo sa loob mismo ng sementeryo ng Bagbag!
"Huwag nang patagalin ‘yan. Tirahin na ‘yan!" sigaw daw ni Daning Mey sa mga kasama. Doon na nila umano pinagtulungang pagsasaksakin ang magkapatid na Eddie at Boy.
Sa 'di kalayuan ay tiyempo palang naroon ang pamangkin nina Eddie na si Joseph, hindi niya tunay na pangalan. Kitang-kita ng binata kung paanong tila hayop na kinatay umano ng grupo nina Daning Mey ang kanyang mga tiyuhin.
Base sa kanyang salaysay, hindi na nakapalag pa si Eddie nang hawakan siya nina Long Hair at Daning Bigas. Si Naldo naman daw ang unang umunday ng saksak sa tiyuhin, na animo'y manok na kinatay at sinaksak sa leeg. Sasaklolo daw sana si Boy sa kapatid nang saksakin din siya sa likod nina Daning Mey at Naldo.
Dahil sa nasaksihan, napasugod na rin sa tabi ng kanyang mga tiyuhin si Joseph. "Niyakap ko noon si Tito Eddie, tapos sabi niya sa amin, tumakbo na raw kami."
Agad humingi ng saklolo sa kanyang mga magulang si Joseph, pagbalik nila sa lugar ng krimen: "Unahin n’yo si Eddie. Unahin n’yo siyang operahan!" sigaw ni Boy nang makitang dumating na ang ayuda. Mas malala kasi ang mga tinamong sugat ng kapatid kaysa sa kanya.
Hinangos patungong ospital si Eddie, pero huli na ang lahat. Namatay siya dahil na rin sa tinamong saksak sa kanyang leeg. Samantalang si Boy, pilit nilabanan ang tawag ni kamatayan. Makalipas ang ilang buwan sa ospital, himalang nakaligtas ito.
Dalawa, arestado; dalawa, nakapuslit
Pagkatapos ipa-blotter ng pamilya nina Eddie at Boy ang krimen, agaran din itong inaksyunan ng barangay. Naaresto ang dalawang suspek sa krimen: sina Daning Mey at si Naldo. Patuloy namang pinaghahanap ang dalawa pang suspek na sina Long Hair at Daning Bigas.
Sa paggulong ng imbestigasyon, naungkat din ang nauna nang mandamyento de arestong inilabas ng korte sa Palo, Leyte laban kay Naldo. Dati na rin kasi itong naugnay sa kasong murder.
Samantala, patuloy na nakalalaya sina Long Hair at Naldo, dahilan para maiakyat sila sa "Most Wanted" na listahan ng Quezon City Police.
Kamakailan lang ay nakatanggap ng tip ang pulisya sa kinaroroonan ng suspek na si Emil Calisa, alyas Long Hair. Nagtatago raw ito sa bandang Divisoria sa Maynila kung saan namamasukan din siya bilang kargador. Agad namang ikinasa ng mga awtoridad ang operasyon para mahuli ang suspek. Katulong ang programang "Imbestigador" ay sumugod na ang mga operatiba sa lugar.
Nagpalubog ng asset ang mga pulis sa lugar para matiyak na naroroon nga ang kanilang target. Hindi naging madali ang operasyon lalu pa't matao sa lugar. Maaari raw kasing may mga sibilyang madamay kung makatunog ang suspek at mataong armado ito ng patalim o baril.
Nang kumpirmahin ng asset ang kanilang pakay, maingat na umaksyon ang mga pulis at ang "Imbestigador" para tuluyan nang mapanagot sa batas ang itinuturong suspek sa pagpatay. Sa kabutihang palad, maayos na sumama sa mga pulis si Emil Calisa.
#2 most wanted, tiklo
Sa panayam ng Imbestigador kay Calisa, itinanggi nito ang partisipasyon niya sa krimen. "Ni kurot, wala. Hindi namin sila nasaktan," pahayag ng suspek. Itinuro niya ang magbilas na sina Naldo at Daning Bigas bilang mga pangunahing suspek. Aniya, nadamay lamang siya dahil kasama niya ang dalawa nang mangyari ang krimen. "Kinakabahan talaga ako kasi magkakasama nga kaming apat. Alam ko damay na ako eh," dagdag pa niya bilang paliwanag kung bakit siya nagtago sa loob ng anim na taon.
Sa ngayon, nakapiit sa Quezon City Jail sina Calisa at si Canciller habang dinidinig pa ang kaso. Sa National Bilibid Prison naman nakakulong si Danilo “Daning Mey” Nordan matapos mahatulang nagkasala ng mababang hukuman.
Murder at kasong frustrated murder ang mga habla laban sa kanila. Patuloy pa ring pinaghahanap ng mga pulis ang ikaapat na suspek na si Danny “Daning Bigas” Fariente.
Tila isang malaking tinik na nabunot sa dibdib ng pamilya nina Eddie at Boy at pagkakahuli kay Long Hair. Dalangin nila ang agarang pagkakatiklo ng huling suspek, habang ipinangako naman sa kanila ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police ang patuloy na pagtutok sa kaso.
Minsan nga raw, ang buhay ay parang sugal. At tulad ng ano mang laro: may nananalo, may natatalo. Kapag padalus-dalos mong itinataya ang baraha ng iyong kapalaran, sa huli, maaaring ikaw din ang malugi.—Irvin Cortez/ARP, GMA News
Narito ang iba pang mga web narratives ng mga kuwentong itinampok sa programa:
Bantay-mahalay?: Ang kaso ng pulis na inireklamo ng panghahalay
‘Anak ko ‘yan!’: Ang kaso ng batang pinag-aagawan
'Sextortion': Ang kaso ng dalagang ipinakalat ang hubad na larawan sa internet
Bodega: ang kuwento ng pagdukot kay Baby Ekham
Kuwadradong pag-ibig: Ang kuwento ng babaeng nagmahal sa tatlong lalaki
Love triangle: Kuwentong-krimen sa pagitan ng magkabarong pulis
Inside job: Ang kuwento ng panloloob sa pamilya Sinday
Regalong sinturon: Ang kuwento sa likod ng Kayang Massacre
Bantay-salakay: Ang pagkakatiklo ng most wanted ng Bobon
Marahas na kaarawan: Ang kuwento ng lalaking nag-amok sa Caloocan
Kawayan: Ang misteryo sa likod ng pagkamatay ni Jayvee Vitug
Ganti ng dating kasintahan: Ang kaso ng lalaking sinabuyan ng asido
Sa mga kamay ng manggagamot: Ang kuwento ng dukot-mata sa Pangasinan
Ang bisita nina nanay: Ang kuwento ng Palawan double murder case
Ang bracelet ni Pabo: The Guagua double murder case story
'Taong Putik': Ang kuwento sa likod ng Kawit hostage drama
Uuwi na si Daisy: Isang 'Imbestigador' Exclusive
‘Self-Defense Instinct’: The Rafael Parricide story

Tags: webexclusive
More Videos
Most Popular