Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Inside job: Ang kuwento ng panloloob sa pamilya Sinday
Ang kuwentong ito ay unang itinampok sa "Imbestigador". Ang mga larawan ay halaw sa pagsasadula. Napapanood ang "Imbestigador" tuwing Linggo ng gabi sa GMA-7, 9:15 PM, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho. I-like ang official Facebook page ng Imbestigador para sa updates.
Minsan nang nadurog ang puso ni Cecilia Sinday, 58 taong gulang, nang pumanaw ang isang anak nito. Dahil dito, ibinaling na lamang niya ang atensyon at lakas sa mga negosyong hinahawakan.
Nasa ibang bansa ang asawa ni Cecilia habang namamahala naman siya sa kanilang mga negosyo sa Calamba, Laguna. Tuwing maiisipang magbakasyon sa ibang bansa, ipinagkakatiwala niya ang mga negosyo sa mga empleyado nito.
Hindi pumasok sa isip ni Cecilia na ang simpleng pagtitiwalang ito ang magiging mitsa ng kanyang buhay at mananariwa muli sa mga sugat ng nakaraan.
Abril 22 ng kasalukuyang taon nang inimbitahan ni Cecilia ang ilan sa kanyang mga kaibigan para sa isang munting salu-salo at kasiyahan. Nagkaroon ng kaunting inuman ang mga magkakaibigan subalit maagang natapos ang kasiyahan. Dakong alas-nuebe ng gabi, umakyat na sa kanyang silid para magpahinga si Cecilia. Medyo tinamaan na rin siya marahil ng espiritu ng alak kaya naman nagpasya siyang ipahinga na ito. Ang kanyang anak-anakang walong buwang sanggol naman na si Mark Daniel ay pinatutulog na rin ng kasambahay na si Beth.
Ito pala ang mga sandaling sasamantalahin ng masasamang loob.
Nilooban at minasaker
Dakong alas-onse ng gabi, ginising si Cecilia ng isa pa niyang kasambahay na si "Jenna", 17 taong gulang. Tarantang-taranta ang dalaga dahil may tatlong lalaki raw ang nakapasok sa kanilang tahanan.
Naalimpungatan si Cecilia sa narinig, subalit bago pa man makakilos, nakapasok na pala sa kanyang silid ang mga kawatan. Pinaghahampas sa ulo at pinagtataga si Cecilia habang ito'y nasa kama. Sunod namang binalingan ang 54 taong gulang na kasambahay na si Beth at ang alaga nitong sanggol.
Nagtamo ng ilang saksak sa katawan si Beth, subalit base sa imbestigasyon ng pulisya, nagawa pang makapanlaban ng ginang. "Based doon sa physical evidence, nag-struggle din 'yung yaya, 'yung Beth. Talagang nasabunutan niya 'yung isa sa suspek dahil may nakitang mga hair strand," pahayag ng imbestigador ng kaso.
Nilimas naman ng mga kawatan ang bahay ng mga Sinday. Tinangay ng mga ito ang mga alahas at mahahalagang ari-arian ng mga biktima.
Ang mas nakapanlulumo, hindi rin pinaligtas ng mga suspek ang walang-muwang na sanggol na si Mark Daniel. "Pinukpok din ng vase 'yung bata. Hanggang sa ginilitan, ginilitan na 'yung sanggol," dagdag ng mga pulis.
Si Cecilia naman, pinilit ipunin ang lakas para makatakas mula sa masasamang loob. Nagtago siya sa loob ng banyo at ikinandado ang pinto. "Sinubukan siyang katukin na lumabas pero hindi na siya umimik, naka-lock na," pahayag ng imbestigador sa kaso. "Hindi na rin naman pinuwersa ng mga suspek para buksan 'yung comfort room although may iniharang sila na parang videoke."
Higit sa isang oras din ang hinintay ng ginang bago lumabas sa banyong kanyang pinagtaguan. Nang mapakiramdamang wala na ang mga kawatan, agad siyang kumaripas ng takbo papunta sa kalsada para makahingi ng saklolo.
Tiyempo namang may mga naglalaro pa sa kalapit na internet shop. "Naglalaro kami tapos dumating nga ang 12:30, dumating nga si Tita Celia na puro sugat na. Hindi ko nga siya nakilala noong una kasi para siyang baliw na," pahayag ni Michael, kapitbahay ng mga Sinday at saksi sa kaso.
Nagsusumamo raw si Cecilia sa kanya upang madala siya sa ospital sa lalong madaling panahon. "Michael, tulungan mo ako, minassacre ako," anang biktima. "'Di na ako nagtanong ng kung ano, dinala ko na sa sasakyan tapos dinala namin sa ospital," dagdag naman ni Michael.
Mapalad na natakasan ni Cecilia ang tawag ni kamatayan. Kasalukuyan siyang nagpapagaling subalit minabuti na rin ng pulisya na kunin ang kanyang testimonya para mapabilis ang imbestigasyon. At sa paggulong ng kaso, isang pangalan ang kanyang binitawan: Jenna.
Inside job
Ayon kay Cecilia, si Jenna raw ang nagbukas ng pinto para makapasok ang mga suspek. "Naramdaman ko na may humataw sa aking kaliwang braso, pagmulat ko ay nakita ko si Jenna sa dakong ulunan ko, hawak-hawak ang jar na yari sa tanso," salaysay ni Cecilia. "Tumayo ako pero naramdaman kong salitan na may pumukpok sa aking ulo habang may sumasaksak sa akin." Tingin ng ginang, isang inside job ang nangyari.
Agad pinuntahan ng mga pulis ang bahay ni Jenna para pormal siyang maimbestigahan. Wala ito sa kanilang bahay nang dumating ang mga pulis kaya naman kinuwestiyon muna ng mga ito ang kanyang tiyahin. Nang makauwi, nalaman daw ni Jenna na sinadya siya ng mga awtoridad sa kanilang tahanan kaya minabuti na rin niyang pumunta sa himpilan ng pulisya para makipagtulungan sa kaso.
Itinanggi ni Jenna ang partisipasyon sa kaso at sinabi niyang wala siya sa tahanan ng mga Sinday nang makapasok ang mga suspek. "Nandon daw siya sa resort at kasama 'yung barkada, naligo. Dala-dala pa niya 'yung parang mga basang damit nung nagpunta sila sa police station," sabi ng mga pulis na nakatutok sa kaso.
Subalit nang pakiusapan siya ng kanyang tiyahin na ikanta na ang nalalaman, lumabas din ang tila sikretong pinakaiingatan ni Jenna.
Base sa sinumpaang salaysay ni Jenna, ilang araw bago mangyari ang krimen ay nilapitan umano siya ng isang Kevin de Vera, dating katiwala ni Cecilia. Tinanong daw siya nito kung gusto ng mapagkakakitaan at agad namang pumayag ang dalaga. Sa mga sumunod na araw, nabuo na raw ang plano nina Kevin at ng kanyang mga kasamahan na looban at pagnakawan sina Cecilia. Si Jenna ang magsisilbing susi nila para makapasok sa bahay.
Agad inimbitahan sa presinto si Kevin dahil sa testimonya ni Jenna. Mariin naman nitong itinanggi ang kaso. "Nasa bahay po namin ako noon, nagpapahinga. Day off ko po noon," pahayag ng suspek.
Saka nito isinalaysay ang bersyon niya ng mga pangyayari.
Ang bersyon ni Kevin
Base kay Kevin, 19 na taon pa lamang siya nang una silang magkakilala ni Cecilia. Nagpapa-car wash daw ito noon sa kanila at mabilis niya itong nakapalagayan ng loob. Nang mawalan ng trabaho, inalok daw siya ng ginang na magtrabaho para sa kanya. "Nagda-drive lang po ganun, naniningil po sa apartment pag po na nasa abroad po sya," kuwento ni Kevin. "Ako po 'yung taga-deposit ng pera niya. Nade-deposit ko naman po nang ayos."
Subalit sa paglaon ng panahon, tila nag-iba raw ang pakikitungo ni Cecilia kay Kevin. Higit pa sa mag-amo ang kanilang naging ugnayan at nagkaroon sila ng relasyon! "'Pag hindi niya po ako nakikita o hindi ko po siya pinagda-drive, nakikiusap po sa akin. Hindi ko po pinapansin. Nagagalit po siya sa akin," dagdag pa ng binata. Umabot daw sa apat na taon ang kanilang relasyon.
Hanggang sa hindi inaasahang mabuntis ni Kevin ang kanyang nobya at kinailangan na niyang lumagay sa tahimik. "Galit na galit po siya. Huwag ko daw 'yung nabuntis ko po, 'wag ko daw po akuin," pahayag ni Kevin. "Parang nagseselos na po siya dun sa asawa ko, ayaw niya po akong pag-asawahin. Bata pa daw po ako."
Pilit umanong nagsumamo si Cecilia na huwag siyang iwan ni Kevin pero buo na ang desisyon ng binata. Labis itong ikinasama ng loob ni Cecilia kaya tingin ni Kevin, idinadawit siya sa kaso bilang paghihiganti. "Siguro po wala silang makuhang suspek, ako po ang inaano kasi may galit na nga po sa akin," aniya.
Mariing itinanggi ni Cecilia ang bersyon ni Kevin. May asawa ang ginang sa ibang bansa at hindi raw niya magagawang ipagpalit ito sa iba.
Samantala, nahuli na rin ang isa pang kasabwat ni Kevin sa panloloob, base sa testimonya ni Jenna. Kinilala ang suspek na si Joni Bilugan, isang tricycle driver sa lugar. Pinaghahanap pa rin ang isang 'di pa nakikilalang lalaki.
Kamakailan, inilibing na rin ang kasambahay na si Beth. Labis ang hinagpis ng kanyang iniwang pamilya lalu pa't paretiro na sana ang kasambahay. Nakalulungkot isiping tila inunahan siya ni kamatayan bago sana makapagpahinga sa kanyang sariling tahanan.
Sa ngayon, dinidinig na ang kasong isinampa laban kina Kevin at mga kasama nito. "Bale tatlong kaso 'yung isinampa natin: attempted robbery with attempted homicide, 'yun nga sa pagkagawa dun sa sa may-ari ng bahay," pahayag ng pulisya sa Calamba. "At murder, dahil naman sa pagkapatay dun sa bata at sa katulong niya, si Beth." Kapag napatunayang nagkasala, habambuhay na pagkakakulong ang parusang maaaring kaharapin ng mga suspek.
Si Jenna naman ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng DSWD habang inaalam pa ng korte ang partisipasyon niya sa kaso. Sa salaysay kasi ni Jenna, sinabi nitong pinagbantaan din siya nina Kevin na papatayin kung hindi niya tutulungan ang mga ito. Depende sa pasya ng korte, maaaring manatili sa shelter si Jenna o kaya ay pormal ding sampahan ng kaso.
Patuloy ring nagpapagaling sa ospital si Cecilia. Masakit mang mawalan hindi lang ng ari-arian kundi pati na rin ng mahal sa buhay, ipinagpapasalamat pa rin niyang mapalad siyang nakaligtas mula sa bingit ng kamatayan.
Pinipilit na rin niyang bumangon mula sa trahedya. Maghilom man kasi ang kanyang mga sugat, patuloy silang magiging paalala na huwag basta-basta magtitiwala.—Irvin Cortez/CM, GMA News
Narito ang ilang pang mga web narratives ng mga kuwentong itinampok sa programa:
Masahe: Ang kuwento ng pangingikil kay Bong Villanueva
Regalong sinturon: Ang kuwento sa likod ng Kayang Massacre
Bantay-salakay: Ang pagkakatiklo ng most wanted ng Bobon
Marahas na kaarawan: Ang kuwento ng lalaking nag-amok sa Caloocan
Kawayan: Ang misteryo sa likod ng pagkamatay ni Jayvee Vitug
Ganti ng dating kasintahan: Ang kaso ng lalaking sinabuyan ng asido
Sa mga kamay ng manggagamot: Ang kuwento ng dukot-mata sa Pangasinan
Ang bisita nina nanay: Ang kuwento ng Palawan double murder case
Ang bracelet ni Pabo: The Guagua double murder case story
'Taong Putik': Ang kuwento sa likod ng Kawit hostage drama
Uuwi na si Daisy: Isang 'Imbestigador' Exclusive
‘Self-Defense Instinct’: The Rafael Parricide story

Tags: webexclusive, calambalaguna
More Videos
Most Popular