Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

E-LEKSYON: 'Imbestigador' Election Special


E-LEKSYON:  Imbestigador Election Special
Airing Date: May 5, 2013, pagkatapos ng KMJS at bago ang docu-pelikulang Landas



Bakit nga ba tuwing eleksyon, bumabaha ng pera? May pagkakataon pa ba ang iba kung ang maraming kumakandidato ay pami-pamilya? Bakit nga ba ang ilang pulitiko tila kapit-tuko sa puwesto?  



Sa isang espesyal na pagtatanghal, ilalantad ng Imbestigador ang tatlong aspetong madalas iugnay sa eleksyon. Kayamanan, Karahasan, Kapangyarihan.    

Ano ang mga repormang dapat mabago para maging matalino ang pagpapasya ng bawat botanteng Pilipino?

KAYAMANAN

Mistulang pista ang kampanya. Bumabaha ang handa at unlimited na bisita. Pero sa halip na putahe, pera ang karaniwang inihahain ng ilang kandidato. May iba ring pumaparaan sa panunuyo ng mga botante. Hindi sumasapat ang matatamis nilang pangako. Pagkain, tubig, alak, grocery at bigas ang ipinapabaon sa mga botante. Para talagang pista ang pamimili ng boto na nabisto sa kamera.
 
KARAHASAN

Ilang eleksyon na ang nagdaan, hanggang ngayon, may iba pa ring idinaraan sa dahas at pananakot ang laban.  Bakit nga ba palagi na lang may binabawian ng buhay dahil sa bala at pulbura?

KAPANGYARIHAN

Ang ilang pulitiko, parang linta kung makakapit sa kapangyarihan.  Kung hindi bibili ng boto, sinusubukan pa ring mandaya kahit automated na ang proseso. Hindi na nga ba mauulit ang mga multo ng nakaraan tuwing bilangan? Paano ipaglalaban at pangangalagaan ang bawat boto? Ang pinakamahalagang sandata ng mamamayan: KAALAMAN.

Ngayong Linggo ng gabi, ihahatid ni Mike Enriquez ang isang makabuluhan, napapanahon at maaksyong dokumentaryong TATAK IMBESTIGADOR! Abangan ang E-Leksyon: Imbestigador Election Special, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA-7.