Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kalat-kalat na Kalansay at Kaso ng Humukay sa Bangkay, aaksyunan ng 'Imbestigador'


Kalat-kalat na Kalansay   Sa papalapit na araw ng mga patay, asahang daragsa na ang mga tao sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.   Ngunit sa isang sementeryo sa Olongapo, para bang kinalimutan na ang kalagayan ng mga bangkay na nakahimlay na.  Ilan dito, nakabukas ang mga nitso, nakatiwangwang ang mga lamang kalansay.   Hindi umano malayong pinagnanakawan ng mga gamit ang mga bangkay at kinakalakal ang mga mapapakinabangan pa.   Ngayong Linggo ng gabi, masolusyunan pa kaya ang sitwasyon ng mga bangkay na dapat sana’y nakahimlay na sa kani-kanilang huling hantungan?  Mabibigyan pa kaya ang mga ito at ang kanilang mga kaanak ng ipinagkait na katahimikan?   Hinukay na Bangkay   Napag-alaman ng Imbestigador ang tungkol sa bangkay ng isang babae sa bayan ng San Franciso, lalawigan ng Quezon na diumano’y hinukay at hinalay nito lang nakaraang Agosto, isang araw matapos nitong mailibing.   Laking gulat ng asawa ng biktima at ng pamilya nito nang madiskubre nila ang sinapit ng kanilang kaanak.  Naging palaisipan sa kanila at pati sa mga tao sa lugar na iyon kung sino ang gumawa ng nasabing krimen.   Sila ang iimbestigahan ng inyong Sumbungan ng Bayan. Bakit nga ba nagagawa ang pagsasamantala sa mga yumao na?  Mabibigyang kasagutan kaya ang misteryo ng panghahalay sa babaeng inilibing na pero muling hinukay at hinalay?   Abangan ng espesyal na pagtatanghal ng Imbestigador ngayong Linggo, sa bago nitong oras, 9PM!