Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

Sumbungan ng Bayan sa Davao sa 'Imbestigador'


IMBESTIGADOR Airing date: May 26, 2012 SUMBUNGAN NG BAYAN, SERBISYONG TOTOO SA DAVAO
 
Patuloy ang pagbisita ng Imbestigador Sumbungan ng Bayan sa iba’t ibang panig ng Pilipinas!  Mula Luzon, Visayas hanggang Mindanao.  At nitong nakaraang Sabado lang, kasama ang buong puwersa ng Imbestigador, National Statistics Office, Department of Foreign Affairs at Integrated Bar of the Philippines, binisita ang Davao para magbigay ng serbisyong totoo sa mga Kapuso natin doon.  Daan-daang katao ang humingi ng tulong at ilan sa mga ito, agad na naaksyunan!
 
 
SAKLAAN
 
Isang impormante ang nagbigay ng tip sa Imbestigador tungkol sa pagkalulong umano sa iligal na saklaan   ng ilang kababayan niya sa Malabon.  Kaya agad na tumugon ang Imbestigador at nagmanman. Sa pag-iimbestiga ng programa sa lugar, dalawang saklaan ang aming nadiskubre!  Hindi raw biro ang tayaan sa mga ganitong saklaan.  Kaya naman sa tulong ng otoridad, agad na winakasan ang iligal na pasugalan!
Tags: plug