ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Rest in peace?


Episode on November 1, 2008 Saturday, 9:30 p.m. The phrase "Rest In Peace", abbreviated as RIP, is often found on gravestones. In the Philippines, can one rest peacefully upon one's death? On November 1st, Mike Enriquez investigates the torment and trouble Filipinos must deal with when they die. The Crime Scene In Zambales, a woman was found dead, the sensitive parts of her body charred beyond recognition. Nobody in the area knows her identity. Will authorities gather enough evidence to solve this crime? What will happen should her unidentified body remain unclaimed? The Morgue Pamela's grandfather died in his hospital bed. Because of the lack of facilities in the hospital's morgue, his body rotted within a day. Imbestigador discovers that similar situations are all too common in provinces without decent morgues. The Mortuary While mourning over Cenon's dead body, his family was horrified to see worms coming out of his coffin. Turns out, the funeral parlor failed to embalm his body properly. This is one of the many complaints hurled against funeral parlors nationwide. Defiance to sanitation regulations, lack of facilities, overpricing and cadaver detention are among the most common grievances against commercial mortuaries. The Cemetery November of last year, Josephine was shocked to see a different headstone on her late husband's tomb. Another person's remains now lie in the same spot at a public cemetery in Novaliches, Quezon City. Every year there is a significant increase in cases of cadaver and graveyard stealing. What can be done to protect your loved ones' resting place? It's the investigation you shouldn't miss. Tune in this Saturday to Mike Enriquez' Imbestigador, 9.45 pm on GMA 7.
Binawian ng buhay, pumanaw, sumakabilang buhay, nasawi. mga salitang nangangahulugan ng pagkamatay ng isang tao. Pero ang salitang NAMAYAPA. akma pa rin kayang gamitin para sa mga namatay na mga Pilipino? Makaka-Rest In Peace nga ba ang labi ni Juan dela Cruz kapag siya'y namatay? Ngayong undas, sisiyasatin ng Imbestigador ang mga problemang "pinagdadaanan" ng mga taong sumakabilang buhay. Sa pangunguna ni Mike Enriquez, iimbestigahan ng nag-iisang Sumbungan ng Bayan ang mga kakulangan at kahirapan sa bawat lugar na paglalagakan ng labi -- mula sa kinamatayan hanggang sa huling hantungan. Crime Scene Sa Zambales, may bangkay ng babae na natagpuan sa damuhan. Sunog ang maselang parte ng kanyang katawan. Walang nakakakilala sa kanya sa lugar. May maiipon kayang sapat na ebidensiya para makilala ang biktima at matukoy ang mga pumaslang sa kanya? Morgue Namatay ang lolo ni "Pamela" sa isang pampublikong ospital. Pero ang labi nito, hindi maayos ang kinalagakan sa pagamutan. Isang araw pa lang ang nakalipas nangangamoy na ito sa loob ng morgue. Pero suwerte pa raw si "Pamela" dahil may mga pagamutang mas kaawa-awa pa ang sitwasyon. Sa Laguna matatagpuan ng Imbestigador ang sira-sirang kubo sa likod ng ospital na ginagamit na morgue. Punerarya Nabulabog ang mga naglalamay sa burol ni Cenon matapos lumabas ang mga uod sa kanyang katawan. Kaya ang kaniyang pamilya, inireklamo ang puneraryang nag-embalsamo. Marami pang mabibisto ang Imbestigador - patung-patong at kung saan-saang itinatambak na bangkay, may mga bagsak sa aspeto ng kalinisan, kulang sa pasilidad at mga raket ng punerarya. Sementeryo Undas noong nakaraang taon, nagulat na lang si Josephine dahil wala na ang nitso ng kanyang yumaong asawa sa lumang sementeryo sa Novaliches, Quezon City. Nakatambak na lang ito sa bodega kasama ng marami pang labi. Nakausap ng Imbestigador ang sepulturerong si "Gary" na aminadong regular silang nagbebenta ng mga buto sa mga duktor at estudyante ng medisina. Samu't sari pang problema sa mga siksikang sementeryo ang nakalkal ng Imbestigador. Kapag tayo ay pumanaw, maaring sa kawawang proseso tayo idaan. Huwag palampasin ang makabuluhang pagtatanghal ng Imbestigador ngayong Sabado, 9:45pm sa GMA7.
Tags: imbestigador