Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Episode 11: Makikilala ni Pepe si Consuelo Ortiga
ILUSTRADO
Episode 11
“Tell me who your friends are, and I’ll tell you who you are.”
Happy-go-lucky ang mga Ilustrado sa Espanya - ang mga Ilustrado na inaasahang ilalapit sa cortes ng Espanya ang mga hinaing ng mga mamamayan, at magdadala ng reporma sa bayan. Hihikayatin ng mga naunang Ilustrado si Pepe na sumama sa kanilang mga lakad sa gabi, ginagawang rason ang malango sa alak upang maibsan ang pangugulila.
Kung ano ang pinagdadaanan ng mga OFW natin ngayong araw ay siya ring naranasan ng ating mga Ilustrado - ang pagkasabik na makita, makausap at mayakap ang mga mahal sa buhay subalit hinding-hindi mangyayari sa bawat araw na lumilipas.
Kakaiba si Pepe. Maliwanag sa kaniya ang kaniyang layunin. Plantsado ang kanyang de oras na schedule sa araw-araw - ehersisyo, aral, pagbabasa, pagpapayaman ng karanasan sa sining, pagsasanay ng iba’t ibang lenguahe, pag-aanalisa sa tunay na sitwasyon ng mga colonized na bayan ng Espanya. At ang kanyang pangungulila? Nilalabanan niya ito sa kaniyang apat na sulok ng kwarto, ng mga papel at pluma. Sa unibersidad ng Madrid niya unang naranasan ang maging malaya hindi lang sa akademikong larangan kundi ang pagsasagawa nito. Si Don Morayta na isang Espanyol na guro sa Kasaysayan ay isa sa mga pinaka-liberal o free thinkers ng panahong iyon. Pinangungunahan niya ang isang protesta laban sa mga mapagparusang pinuno. Mapapasama sa kilos protesta si Pepe kasama ang ilan pa niyang mga banyagang kaklase at mga Ilustrado. Labis ang tuwa ni Pepe, ninanamnam ang isang protesta na bagay na hinding-hindi mararanasan ng indio sa kaniyang bayan subalit maaaring mangyari sa hinaharap. Gaganahan ang ating bida lalo na’t guro niya si Don Morayta na naging malaki ang impluwensya kay Pepe. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit may kalye tayo ngayon sa lungsod ng Maynila na pinangalanang Morayta.
Magkakagulo sa protesta. Pinaghuhuhuli ng mga pulis ang mga sangkot sa gawaing iyon. Kung ano ang nakikita natin sa TV na protesta at pagdidispers sa kanila ay ganoon din noong panahon sa Espanya. Maraming duguan, maraming nahuli.
Magsisitakbuhan sina Pepe papalayo sa kaguluhang nagaganap. Magtatago sila sa bahay ng isang Espanyol na kumakatawan sa Las Islas Filipinas para sa cortes ng Espanya - si Don Pablo Ortiga.
Sa pagtatagpong iyon, makikilala si Pepe bilang bagong salta sa Espanya, isang binatang punong-puno ng potensyal. At dito na rin mabibighani si Pepe sa karikitan ng dalagang anak ni Don Ortiga - si Consuelo Ortiga. Masusundan pa iyon ng pagpupulong sa bahay ni Don Ortiga ng mga miyembro ng Circulo Hispano y Filipino para sa adbokasiyang reporma. Hihingan si Pepe ng tula na agad-agad naman niyang sinulat at binasa ang Mi Piden Versos. Hahanga ang mga tao sa pagpupulong na iyon, at higit sa lahat, si Consuelo.
Si Consuelo na ba ang magiging kahinaan ni Pepe sa kaniyang pakikipaglaban sa pait ng pangungulila? Maliit lamang ang puso, isang iniibig lamang ang kayang magkasya. Mananatili kayang may puwang si Leonor sa puso ni Pepe?
Episode 11
“Tell me who your friends are, and I’ll tell you who you are.”
Happy-go-lucky ang mga Ilustrado sa Espanya - ang mga Ilustrado na inaasahang ilalapit sa cortes ng Espanya ang mga hinaing ng mga mamamayan, at magdadala ng reporma sa bayan. Hihikayatin ng mga naunang Ilustrado si Pepe na sumama sa kanilang mga lakad sa gabi, ginagawang rason ang malango sa alak upang maibsan ang pangugulila.
Kung ano ang pinagdadaanan ng mga OFW natin ngayong araw ay siya ring naranasan ng ating mga Ilustrado - ang pagkasabik na makita, makausap at mayakap ang mga mahal sa buhay subalit hinding-hindi mangyayari sa bawat araw na lumilipas.
Kakaiba si Pepe. Maliwanag sa kaniya ang kaniyang layunin. Plantsado ang kanyang de oras na schedule sa araw-araw - ehersisyo, aral, pagbabasa, pagpapayaman ng karanasan sa sining, pagsasanay ng iba’t ibang lenguahe, pag-aanalisa sa tunay na sitwasyon ng mga colonized na bayan ng Espanya. At ang kanyang pangungulila? Nilalabanan niya ito sa kaniyang apat na sulok ng kwarto, ng mga papel at pluma.
Magkakagulo sa protesta. Pinaghuhuhuli ng mga pulis ang mga sangkot sa gawaing iyon. Kung ano ang nakikita natin sa TV na protesta at pagdidispers sa kanila ay ganoon din noong panahon sa Espanya. Maraming duguan, maraming nahuli.
Magsisitakbuhan sina Pepe papalayo sa kaguluhang nagaganap. Magtatago sila sa bahay ng isang Espanyol na kumakatawan sa Las Islas Filipinas para sa cortes ng Espanya - si Don Pablo Ortiga.
Sa pagtatagpong iyon, makikilala si Pepe bilang bagong salta sa Espanya, isang binatang punong-puno ng potensyal. At dito na rin mabibighani si Pepe sa karikitan ng dalagang anak ni Don Ortiga - si Consuelo Ortiga.
Si Consuelo na ba ang magiging kahinaan ni Pepe sa kaniyang pakikipaglaban sa pait ng pangungulila? Maliit lamang ang puso, isang iniibig lamang ang kayang magkasya. Mananatili kayang may puwang si Leonor sa puso ni Pepe?
More Videos
Most Popular