Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Episode 10: Ang pagdating ni Pepe sa Europa
ILUSTRADO
Episode 10
October 31
Unang makakatapak sa kanluraning lupain si Pepe – ang bayan ng Marseilles sa Pransiya bago siya tumulak ng Espanya. Manghang-mangha si Pepe sa bagong lugar, ang mga gusali, ang mga tao, ang isang napakalaking sibilisasyon.
Mag-eenrol si Pepe sa Universidad Centro de Madrid sa kursong medisina at letras y pilosopiya. Pagsasabayin niya ang dalawang kursong balang araw ay kapwa niya pakikinabangan.
Makikilala ni Pepe ang iba pang mga naunang Ilustrado gaya nila Maximo Viola, Eduardo de Lete, ang magkapatid na Luna, at Graciano. Higit sa lahat, ang kaniyang matinding kalaban – ang creoleng si Venchito.
Sa Calamba at Maynila, nalaman na din ang pagpunta ni Pepe sa Espanya. Parehong hindi makakain at nagdadalamhati ang dalawang babae sa buhay ni Pepe. Sa mga sulat, ipinarating ni Pepe ang kaniyang paghingi ng tawad, at maayos naman ang kaniyang kalagayan kaya’t walang dapat ipag-alala.
Nilalango ng mga Ilustrado ang kanilang sarili sa alak upang maibsan ang nararanasang pangungulila, bagay na nilalaban ni Pepe sa pamamagitan ng puspusang pagsusumikap na matuto sa kaniyang mga kurso – libro dito, libro doon, panonood ng teatro, ng diskurso, at kung ano-ano pa! Para siyang taong gutom sa kaalaman at wala siyang ibang ginawa kundi punan ang kagutumang iyon.
Magkakaroon ng epidemya sa Calamba, isa sa mga mahal ni Pepe ang manganganib. Ano kaya ang ginawa ng gobyerno noon? Anong nangyari sa mga taong tinamaan ng epidemya?
More Videos
Most Popular