Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Episode 8: Pagmamahalang pilit hahadlangan


ILUSTRADO
Episode 8
October 29
 
Muling magtatagpo ng landas sina Pepe at Leonor nang bumisita si Leonor sa pinamamahalaang boarding house ng kaniyang ama. Naroon si Pepe na may ginagawang paghahanda para sa panliligaw kay Leonor.  Makakapag-usap nang muli ang dalawa at mukhang nakapag-set na ng date si Pepe! Ano kaya ang iba pang mga da-moves ng ating bida? At ano naman kaya ang nakikita ni Leonor sa binatang si Pepe?

Sa episode na ito, matutunghayan natin na umuusbong na ang pag-ibig mula sa simpleng palitan ng mga pagtingin at pagkahilig ng dalawang mangi-ngibig sa isa’t isa. Ang tamis ng kilig, ang mga nakakatunaw na ngiti ng minamahal, ang ligayang dulot ng dalisay na pag-ibig… dinala si Pepe at Leonor sa mahikang lugar na tanging mga umiibig lamang ang nakakapunta. Magsisilbi ding taingang makikinig sa mga saloobin at mga pangarap si Pepe at Leonor sa isa’t isa. Subalit lingid sa kanilang kaalaman, hindi pabor si Betang, ang ina ni Leonor, kay Pepe. Hahadlangan niyang mapunta ang kaniyang dalaga sa binatang galing sa pamilyang pinagmamalupitan ng mga Kastila.
 
Masaya si Pepe. Samantalang, patuloy sa panggigipit ang mga prayle sa Laguna sa pagpataw ng buwis sa mga lupaing sinasaka ng mga Indio, subalit hinding-hinding nagbibigay ng resibo. Si Don Kikoy ang namamahala sa pagbabayad ng buwis.
 
At dahil sa lumalalang kinalalagyan ng mga Indio, bumubuo na ang ilang mga Ilustrado ng isang sikretong samahang kikilos para sa magkakapantay-pantay ng mga Indio at mga Kastila sa Las Islas Filipinas. Si Paciano na ang napipisil ng samahan na ipadala sa Espanya, subaliit iba ang iniisip ni Paciano – si Pepe.