Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Episode 3: Ang pagsubok ng pamilya Mercado




ILUSTRADO
Episode 3
 
Ang isang mabuting tao ay hinubog ng mabuti ng kanyang ina. Si Pepe ay hinubog ng dalawa —  si Donya Lolay at ang yaya niyang si Lina. Si Lina ang humubog sa kamalayan ni Pepe sa labas ng bahay. Ang mga kwentong kababalaghan, ng hiwaga ng Mariang Makiling, ang mga halamang yerba, at kung ano-ano pa. Maiaangat ang lahat ng yaya na tinuturing nilang anak ang kanilang mga alaga, gayun din ang pagsukli ng pagmamahal ng isang alaga.
 
Sa pagkakataong ito, malalagay sa alanganin si Donya Lolay sa salang panglalason sa asawa ni Jose Alberto. Paano kikilos ang pamilya Mercado? Paano na ngayon si Pepe kung makukulong si Donya Lolay? Matutunghayan natin bilang manonood ang katatagan ng isang pamilya na harapin ang unos sa buhay.
 
Ang episode na ito ay magsisilbing inspirasyon sa lahat ng pamilya na nakararanas ng matinding dagok sa buhay.