Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
IJuander

I Juander, ano-ano ang mga pamanang pagkain ng probinsya ng Quirino?


IJUANDER, ANO-ANO ANG MGA PAMANANG PAGKAIN NG PROBINSYA NG QUIRINO?

Mula Maynila, halos apat na daang kilometro ang layo ng Quirino Province. Pero sulit ang pagdayo rito hindi lang dahil sa magagandang pasyalan, kundi pati sa mga putaheng matitikman dito, na pamana pa ng mga tribong naninirahan sa probinsya.

Matatagpuan sa bayan ng Diffun ang tinatawag na Baguio Village kung saan iba't ibang tribo ang sama-samang namumuhay kabilang na ang mga Igorot, T'boli at mga Ifugao na kilala sa putahe nilang Inlagim at Watwat.

Sa bayan naman ng Nagtipunan, isang tribo ng mga mamumugot ulo ang sinasabing naninirahan. Sa paglipas ng panahon, naglaho na ang kultura nila bilang mga headhunter pero napanatili namang nagbabaga ang kanilang mga tradisyunal na putahe. I Juander, paano nga ba inihahanda ang kanilang Pina-git Bugkalot gayun din ang Inlagim at Watwat ng mga katutubong T'boli?

At habang nasa Quirino Province, hindi rin dapat palagpasing masilayan ang nakabibighaning ganda ng Landingan Viewpoint pati na ang Ganano Falls na siyang ikalawa sa pinaka mataas na talon sa probinsya. 'Wag din daw kalimutang mag-uwi ng “tubikoy” na siya namang pinaka sikat na pasalubong mula Quirino Province.

Food trip at adventure ang handog nina Susan Enriquez at Mark Salazar ngayong Linggo sa I Juander, 7:45 ng gabi sa GTV. Samahan silang alamin ang sagot sa tanong ni Juan:

I Juander, ano-ano ang mga pamanang pagkain ng probinsya ng Quirino?