Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
IJUANDER

IJuander, paano mamuhay sa probinsya sa bayan ni Juan?


 

I JUANDER, PAANO MAMUHAY SA PROBINSYA SA BAYAN NI JUAN?

Sariwang hangin kapalit ng aircon, mga puno't bundok sa halip na matataas na gusali at imbis na sa swimming pool, bakit hindi sa batis magtampisaw. Ganito raw ang buhay sa probinsya, simple at malayo sa ingay ng siyudad.

Parehong ipinanganak sa Melbourne, Australia ang professional basketball player na si David Semerad at model actress na si Gwen Zamora. Pero sa Pilipinas nila piniling manirahan at dito na rin sila nagkakilala, nagkaibigan at bumuo ng pamilya. Maski nasanay sa buhay sa siyudad, ngayon sa Calaca, Batangas na sila nakatira. Nagtatanim, nag-aalaga ng hayop at unti-unting nasasanay sa payak na pamumuhay. I Juander, bakit nga ba nila naisip na permanenteng tumira sa probinsya?

Sina Susan Enriquez at Mark Salazar, mga certified probinsyano at probinsyana pala. Kaya maski nahanap ang tagumpay sa siyudad, sa probinsya nila planong magretiro. Ngayon, mayroon na silang sariling farm sa Cavite kung saan sila lumaki. Silipin ang kanilang simpleng buhay sa probinsya kung saan hands-on sila sa pagtatanim, pag-aani at pagluluto ng kanilang kinakain.

Sumasalamin naman sa kuwento ng maraming Pilipino ang dinanas ni Merry, na dahil sa hirap ng buhay sa probinsya ng Mindoro, piniling makipagsapalaran sa Maynila. Pero dahil hindi pinalad na makahanap ng trabaho, bumalik na lang siya sa probinsya makalipas ang dalawang taon. I Juander, kung sadyang mahirap ang buhay sa probinsya, bakit gusto ng maraming Juan ngayon na doon manirahan?

Ngayong Linggo, timeout muna sa stress at mabilis na takbo ng buhay sa siyudad. Tumutok sa I Juander 7:45 PM sa GTV. At alamin ang sagot sa tanong ni Juan:

I Juander, paano ba mamuhay sa probinsya sa bayan ni Juan?


 

ENGLISH:

Have you ever wondered how is it like living a simple life in the province, away from the busy city life in the Metro? This Sunday, we will take you on a tour as we show the lives of Juans who left the urban lifestyle and started anew in the province.

Can they survive in their daily life by just catching, picking fruits and vegetables compared to the instant and convenient ways of city living?

What are the pros and cons living in a rural community?

Catch “Buhay Probinsya” this Sunday, on I Juander GTV at 7:45pm.