I Juander, ano-ano ang mga tradisyunal na paraan ng pagluluto ng isda sa bayan ni Juan?
Happy New Year!
Ngayong 2022, simulan naman natin sa pagkain ng healthy na mga isda. Ngayong linggo, alamin natin, I Juander, ano-ano ang tradisyunal na paraan ng pagluluto ng isda sa bayan ni Juan?
Dahil sa lokasyon ng Pilipinas at sa dami ng mga pulo na pinalilibutan ng iba’t ibang anyong tubig, pangingisda ang isa sa mga pangunahing kabuhayan ng mga Pilipino. Dahil dito, may iba’t ibang tradisyunal na paraan ang bawat bayan sa pagluluto ng isda na natutunan sa kanya-kanyang mga ninuno.
Ang pudpod ay isang uri ng pinausukang isda mula sa mga mamamayan ng Silangang Samar, Pilipinas. Ituturo ng ka-Juander nating si Nilda kung paano gumawa ng Pudpud o Fish Pancakes na natutunan pa niya sa kanyang lola at nanay. Dahil sa pagpupudpod dalawa sa kanyang limang anak ang nakapagtapos na sa Kolehiyo.
Bibisitahin din ng I Juander ang tinaguriang Tuna Capital of the Philippines, ang General Santos City sa South Cotabato. Tatlong taon nang gumagawa ng dayok o tuna intestine ang ka-Juander nating si Mario Ocana. Lumaki si Mario sa kanyang lola na ang ikinabubuhay ay ang pagtitinda at paggawa ng boneless bagoong kaya naman natutunan rin niya ang paggawa ng iba’t ibang sawsawan na kanya na ngayong ginawang negosyo.
Bukod sa pagiging isang most-sought after na beach destination sa kabisayaan, ang Bantayan Island ng Cebu ay kilala sa kanilang mga yamang dagat. Maraming ka-Juander natin doon na “mamukyaray” ang ikinabubuhay. Ito ang tawag sa mga gumagawa ng isang sikat na delicacy na kung tawagin sa kanila ay “buwad” o dried fish. At ang kanilang kakaibang pambato ay ang “subagyo” o “saguksok”. Ang mga tinik ng isdang dito ginagawang chips at ang laman naman ginagawang fish tocino.
Kilala ang Malolos na lugar na makasaysayan sa Pilipinas. At isa sa naging parte ng kanilang mayamang kasaysayan ang Merienda De Prayle. Sa pangalan palang di na maikakaila na paborito ito ng mga prayle noon at lamang tiyan nila tuwing meryenda.
Samahan sina Susan Enriquez at Mark Salazar ngayong Linggo 7:45PM at alamin ang mga iba’t ibang tradisyunal na paraan ng pagluluto ng isda sa bayan ni Juan.
ENGLISH:
The Philippines is surrounded by various forms of water that is why fishing is the main livelihood of most Filipinos. Each province has its own unique way of cooking fish. This Sunday 7:45PM on GTV, I Juander will catch stories on how we prepare different fish delicacies that are deeply rooted in our rich culinary tradition.