I Juander, ano nga ba ang mga natatanging kultura at pasyalan ng Zamboanga Del Norte?
ZAMBOANGA PART 2
Sa 2nd part ng 10th Anniversary Special ng I Juander, dadayuhin naman natin ang probinsya ng Zamboanga Del Norte para tuklasin ang mayaman nilang kultura, tumikim ng masasarap na putahe at pasyalan ang mga natatago nilang paraiso.
Kapag naman Spanish sardines ang pag-uusapan, ang kilala raw diyan ang Dipolog City. At para alamin ang kuwento sa likod ng industriyang ito, pupuntahan ni Christian Mae ang pinaka malaki at pinaka kilalang gumagawa nito, ang Montano Sardines na nagsimula noon pang dekada sitenta. Hindi rin dapat palagpasing mapuntahan ang mga ipinagmamalaking pasyalan ng Dipolog.
At mula sa lungsod, akyatin naman ang mabundok na bayan ng Siayan kung saan naninirahan ang mga katutubong Subanon. Sa kabila ng modernong panahon, napananatili pa rin nila ang kanilang makalumang kultura. I Juander, paano nga ba nila ginagawa ang kanilang tradisyunal na alak na kung tawagin, pangase?
Samahan sina Susan Enriquez at Mark Salazar sa part two ng ika-sampung taong anibersaryo ng I Juander ngayong Linggo, 7:45 PM sa GTV. At alamin ang sagot sa tanong ni Juan:
I Juander, ano-ano ang mga natatanging kultura't tradisyon ng mga taga-Zamboanga Del Norte?