I Juander, ano nga ba ang natatanging kultura at kasaysayan ng Zamboanga City?
Isang dekada na ang I Juander!
At bilang pagdiriwang ng aming ika-sampung taong anibersaryo, aalamin nina Susan Enriquez at Mark Salazar ang mayamang kultura, papasyalan ang magagandang beach at titikman ang masasarap na putahe ng tinaguriang Philippine's Southern Gateway, ang Zamboanga City.
Para sa mga naka-miss mag-beach dahil sa pandemya, bakit hindi puntahan ang Santa Cruz Island kung saan matatagpuan ang ipinagmamalaking pink beach ng Zamboanga. Noon ngang 2017, kinilala lang naman ito ng National Geographic bilang isa sa pinaka magagandang beach sa buong mundo. Pero I Juander, paano nga ba nangyari na kulay pink ang buhangin dito?
Kabilang sa maraming impluwensya ng mga Espanyol sa probinsya, ang masarap at lokal na bersyon ng paella, ang Paella Chavacana. Ipapakita sa atin ni Chef Atlee ang orihinal na recipe na mula pa sa kanyang great grandfather na kusinero ng mga Kastila at Amerikano noong panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig.
Dahil sa paglisan sa gyerang nangyayari sa Basilan, kinailangang magsimulang muli ng mga Yakan sa Zamboanga. Nabuhay sila sa pamamagitan ng kanilang talento sa paghahabi. At ngayong pandemya, patuloy silang bumabangon sa muling pagbubukas ng Yakan Village para sa mga turista. Ilan sa kanilang ibinibida, ang Yakan Dolls at Yakan makeup na gawa ng pitumpu’t siyam na taong gulang na si Apo Jahlinan.
At 'wag din palagpasin ang pagkakataong makatikim ng mga tradisyunal na putahe ng mga katutubong Tausug gaya ng “tiyula itum”, “pipino” at “chicken piyanggang” na ang pangunahing sangkap, sunog na niyog.
Abangan lahat ng 'yan sa ika-sampung anibersaryo ng I Juander ngayong Linggo, 7:45pm sa GTV.
ENGLISH SYNOPSIS:
For ten years, I Juander has been a part of the Filipinos watching habit. The program has shared numerous worthwhile stories showcasing the rich culture and traditions of our country. For the first part of I Juander's two-part anniversary special, I Juander will discover the rich history and diverse culture of the melting pot of Mindanao, Zamboanga City. Catch the episode on GTV, Sunday at 7:45pm.