I Juander, paano ginagawang mas katakam-takam ang mga pagkain sa bayan ni Juan?
I JUANDER, PAANO GINAGAWANG MAS KATAKAM-TAKAM ANG PAGKAIN SA BAYAN NI JUAN?
Kung tutuusin, hindi raw panlasa ang unang humuhusga sa isang pagkain, kundi ang paningin. Kaya kapag sinahugan ng kakaibang presentasyon, mas lalo ito nagiging espesyal at katakam-takam.
Sa unang tingin, aakalaing tunay na sapatos o bareta ng sabon ang nakahain sa hapag. Pero ang totoo, ito pala ang nauuso ngayon na kung tawagin “hyper realistic edible cake.” I Juander, gaano nga ba kahirap gumawa ng cake na realistic ang disenyo? Ito ang ipakikita ng pastry chef na si Kier.
Pero bukod sa cake, puwede na rin i-personalize ang madalas na center of attraction sa mga handaan, ang lechon. Ito ang pauso ni Anna para maging kakaiba ang itinitinda niyang Cebu lechon. Kabilang sa mga best seller niya ang tigerchon, zebrachon at mga disenyong hango sa mga sikat na karakter.
Ang puto naman na karaniwa'y kulay puti lang, literal na binigyan ng bagong mukha ng negosyanteng si Charity. Ito ang pakulo niya para raw mas bumenta ang kanyang “putolicious” puto.
Samantalang ang celebrity chef na si Markus Patimo, magshe-share ng tips kung paano mag-plating, para ang karaniwang pagkain, magmukhang sosyal at mas katakam-takam.
Mabubusog hindi lang ang sikmura kundi pati ang mga mata ngayong Linggo sa I Juander, 7:45 PM sa GTV. At samahan sina Susan Enriquez at Mark Salazar na alamin ang sagot sa tanong ni Juan:
I Juander, paano ginagawang katakam-takam ang pagkain sa bayan ni Juan?
English:
This Sunday, I Juander will showcase the creativity of the Filipino, in terms of food design and presentation. As I Juander answers the question, how to make a food visually appealing?