Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
IJUANDER

I Juander, ano ang maituturing na all-time breakfast meal sa bayan ni Juan?


I JUANDER, ANO ANG MAITUTURING NA ALL-TIME BREAKFAST MEAL SA BAYAN NI JUAN?

Bukod sa karaniwang sinangag, itlog at piniritong ulam, marami pang pagkain sa bayan ni Juan na nakasanayan ding kainin bilang agahan.

 

 

Pagdating sa pagluluto, talaga naman daw masarap ang panlasa ng mga Kapampangan. At kapag almusal ang pag-uusapan, ang paborito raw nila, isang putahe na hindi lang isa, hindi lang lima kundi labindalawang itlog ang sangkap. Sandamakmak na rekado rin ang inilalagay nila rito. I Juander, paano nga ba niluluto ang ipinagmamalaki nilang “pisto?”

Sa Ibaan, Batangas naman, isang putahe na mula sa bansang Mexico ang paborito nilang i-almusal. Alamin kung paano nga ba naging parte ng kultura nila ang pagluluto ng tamales.

 

 

Tiyak naman daw na tanggal ang antok sa paboritong agahan ng mga Muslim, ang inihaw na baka o manok na may maanghang na sabaw o kung tawagin nila, satti.

At ibibida rin ni Susan Enriquez ang kinalakihan daw niyang i-almusal noon, ang sinangag na may saging na saba. Pero ayon sa kasaysayan, hindi kanin at ulam ang nakasanayang kainin noon ng mga Pilipino tuwing umaga. Kung gayun, ano nga ba ang maituturing na orihinal na almusal ni Juan?

 

 

Isa na namang nakatatakam na usapan ang hatid nina Susan Enriquez at Mark Salazar ngayong Linggo sa I Juander, 7:45 PM sa GTV. Kaya tumutok na at alamin ang sagot sa tanong ni Juan:

I Juander, ano-ano ang maituturing na all-time breakfast meal sa bayan ni Juan?

English synopsis:

According to popular belief, breakfast is the most important meal of the day. For Sunday’s episode of I Juander, we will feast on the stories behind the traditional breakfast of the Filipinos. We will take you to the culinary capital of the Philippines and taste Pampanga’s traditional breakfast which are the Pistou Sulipan and the Tamales. We will also show you the cooking process of the staple breakfast in Visayas, the Puto Maya and the famous Satti of Mindanao. Susan Enriquez will also cook her “sinangag with saba” or fried rice with banana, as she reminisce her mom’s cooking.