I Juander, ano-ano ang mga bagong food trip sa Luzon?
I JUANDER, ANO-ANO ANG MGA BAGONG FOOD TRIP SA LUZON?
MARCH 11, 2020
7:15 PM SA GMA NEWS TV
Ngayong Summer, patok na patok na naman ang mga pasyalan sa iba’t ibang bahagi ng bansa, partikular na sa pinakamalaking isla mg ating bansa, Luzon. Pero sabi nga, sa bawat lugar na binibisita, tiyak na may food trip na kaakibat.
Kung kakaibang pampalamig ang hanap, sa Nueva Ecija sa Gitnang Luzon lang naman matatagpuan ang award-winning na ice cream, pero hindi ito gawa sa pangkaraniwang flavors, dahil ang kanilang ice cream, Tilapia-flavored!
Dumako naman tayo sa Timog Luzon, kung saan matatagpuan ang mga inumin at pampalaman na swak na swak sa panlasang Pinoy–at ang prutas na Raspberry kung saan gawa ang mga ito, hinahango mismo sa isang farm sa Dolores, Quezon. ‘Sampinit,’ kung tawagin ng mga lokal, ginagawa na rin daw itong Raspberry Jam, Raspberry Wine, at Raspberry Lambanog na tiyak na hahanap-hanapin ng mga makakatikim nito.
Magmula sa lalawigan ng Quezon, tumungo naman tayo sa sa Bicol Region kung saan tinuklas ng ating ka-Juander na si Weeko ang mga panibagong food trip sa probinsya ng Albay. Nariyan ang Tinutungan na Kanin Ice Cream, Pansit Bato Dinuguan, at samahan pa lokal na meryenda nilang Biniribid.
At kung naghahanap naman kayo ng food trip sa bandang Norte, ‘wag mag-alala dahil ang lalawigan ng Apayao sa Cordilleras, may ipinagmamalaking Apayao Pizzas!
Ang mga pizza lang naman nila, gawa sa kanilang mga native dishes na Pinalatan, Pinaltit, Sinursur, at Binanayan–perfect na kasabay sa pamamasyal sa makasaysayang lugar kung saan nagmula ang mga pizza: ang munisipalidad ng Pudtol sa Apayao.
Syempre, tuwing sasapit ang tag-init, hinding hindi mawawala ang halo-halo, pero ang isang lugar sa Bulacan, ginawa raw itong buko pie na tiyak na darayuhin ng mga makakatikim nito!
Samahan si Susan Enriquez sa ika-11 ng Marso, Miyerkules, 7:15 ng gabi sa GMA News TV sa paghahanap ng panibagong food trip sa Luzon!
ENGLISH:
Luzon is the biggest island of the Philippines, and since summer season is here, people will be travelling to different tourist spots in the country. And what better way to travel and explore the historic and breathtaking places than eating the food that the place offers? From the Apayao Pizzas of the Cordilleras, raspberry wine of
Quezon, Tlapia icecream of Nueva Ecija, Buko Pie of Bulacan, up to the cooked rice Ice Cream flavor in Bicol, let’s join Susan Enriquez as she explores more about the delicacies of Luzon on Wednesday, March 11 on GMA News TV.