Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

I Juander, paano binubuhay ni Juan ang mga bakas ng kasaysayan?


I JUANDER, PAANO BINUBUHAY NI JUAN ANG MGA BAKAS NG KASAYSAYAN?
FEBRUARY 19, 2020
MIYERKULES, 8 PM SA GMA NEWS TV

 

Ang bayan ni Juan, mayaman at punong-puno ng mga bakas ng nakaraan. Kaya sa masusing pananaliksik ng ilang mga eksperto, hanggang sa kasalukuyan ay may ilang mga bagay ang patuloy pa ring natutuklasan na siyang nagbibigay kulay sa ating pagkakakilanlan.

75 taon ang makalipas magmula noong maganap ang Battle for Manila noong Pebrero hanggang Marso 1945, isang grupo ng mga arkeologo mula sa UP Diliman, sa pangangasiwa ng ka-Juander nating si Andrea Cosalan, ang naatasang magsagawa ng exhumation sa isang nalimutan nang mass grave sa likod na parte ng Malate Catholic School na dati ay kinatatayuan ng nasirang Remedios Hospital.

 

 

 

 

HITSURA NG GRAVE BAGO ANG PAGHUKAY; PAGHUHUKAY SA MALATE CATHOLIC SCHOOL
(COURTESY OF RAM ESPINA OF MALATE CATHOLIC CHURCH)


Sa kanilang paghuhukay, hindi lang nila nabibigyan ng kahalagahan ang mga buhay ng hospital volunteers na namatay dito pero napupunan din ang ilang naiwang katanungan sa kasaysayan.

Hindi lang mga buto ng mga tao o hayop ang nahuhukay ng mga arkeologo. Sa ibang parte sa ating bansa, maging ang mga sinaunang gamit katulad ng mga ceramics na ginamit pa ng mga Tsino noong Ming, T’ang, at Song Dynasty ay nahuhukay din. Ang ilan sa mga nahukay na ceramics, matatagpuan sa Pakil, Laguna.

 

 

 

 

Balikan natin ang dating mukha ng mga building na araw-araw natin nadaraanan sa lungsod ng Maynila.

Karamihan sa mga ito, dating naging tanyag dahil sa angkin nitong ganda.

 

 

 

 

Para naman sa ka-Juander nating si Claire, bukod sa paghukay sa ilang nalimutang parte ng kasaysayan, pagpapanatili at pagrerestore ang kanyang paraan para buhayin ang bakas ng nakaraan. Ang kanyang kasalukuyang proyekto ay ang nag-iisang steel church sa bansa, ang San Sebastian Basilica sa Quiapo na maituturing na isa sa mga architectural heritage sa bansa.

 

 

 

ANG PAGRERESTORE SA SAN SEBASTIAN BASILICA AY PINANGANGASIWAAN NI CLAIRE VITUG
(COURTESY OF SAN SEBASTIAN BASILICA CONSERVATION AND DEVELOPMENT FOUNDATION, INC)

At kung ang susunod na henerasyon at mga architectural heritage lang din ang pag-uusapan, pinatunayan naman ng ating ka-Juander na si James na hindi hadlang ang umuusbong na teknolohiya para makalimutan ang ating nakaraan, dahil ang kanyang ambag–gumawa ng 3D versions ng mga makasaysayang istruktura.

 

 

LITRATO NG METROPOLITAN THEATER

 

 

3D VERSION NITO NA GAWA NI JAMES

Samahan si Susan Enriquez sa ika-19 ng Pebrero, Miyerkules, alas-otso ng gabi sa GMA News TV sa pagsagot sa tanong ni Juan:

I Juander, paano binubuhay ni Juan ang mga bakas ng kasaysayan?

ENGLISH:
Most parts of our own history are still undiscovered, but we are given a glimpse of what happened in the past through the remaining structures, unearthed artifacts, and newly-discovered relics. Join Susan Enriquez as she discovers more about our history on Wednesday, February 19 on GMA News TV.