Iba't-ibang proseso ng food preservation, alamin!
I JUANDER, PAANO BA TATAGAL ANG MGA PAGKAIN SA BAYAN NI JUAN?
JANUARY 29, 2020
MIYERKULES, 8 PM SA GMA NEWS TV
Sabi nga nila, “food is life!” Sino ba namang hindi gaganahan kung pagkain ang usapan? Pero paano ba natin mae-enjoy nang matagal ang paborito nating lantakan kung sa Pilipinas, kalaban ang mainit na temperatura? I Juander, paano ba tatagal ang mga pagkain sa bayan ni Juan?
Sa bulubundukin ng Cordillera, may iba’t ibang paraan para mapahaba ang buhay ng pagkain bilang paghahanda na rin sa tag-ulan.
Ang mga karne ng hayop na nahuhuli nila sa pangangaso, ginagamitan ng asin at usok para mas tumagal. Halimbawa niyan ang Pinuneg o blood sausage at Kini-ing na ilan lang sa mga tradisyunal na pamamaran ng Cordilleran sa pagpreserba ng pagkain.
Isa rin ang pagmamatamis o paglalagay ng asukal sa mga prutas para maiwasang agad itong mabulok.
Kung ang Baguio, may Strawberry jam. May panlaban daw ang Benguet diyan, ang kanilang Lemon jelly! Fresh na fresh pa dahil puwede kang mag-Lemon picking sa kanilang farm.
Hindi naman pahuhuli ang mga nasa Gitna at Timog Luzon pagdating sa pagpe-preserba ng mga pagkain. At kung sa bundok ay pagpapausok ang kanilang pangunahing paraan ng pagpe-preserba–sa mga tabing-ilog at tabing-dagat na bayan ng Pampanga at Bulacan naman, patok ang pagbuburo at paga-atchara ng talangka at dampalit.
Samahan natin si Susan Enriquez sa Miyerkules, alas-otso ng gabi sa GMA News TV sa pagsagot sa tanong ni Juan:
I Juander, paano tatagal ang mga pagkain sa bayan ni Juan?
ENGLISH:
Filipinos are well-known in having various ways of preparing their food. Due to our hot climate, our ancestors found a way to enjoy and make their food last longer. In the mountains of Benguet, the Cordillerans developed smoking as its primary way of preserving meat. While in the coastal areas of Pampanga and Bulacan, and the plains of Rizal and some parts of Bulacan, they have developed pickling as their own primary way of preserving rice, fish, and even leaves that grow in water. This week, join Susan Enriquez in a mouth-watering episode about Filipinos’ way of food preservation! Catch this episode on GMA News TV, January 29, Wednesday, at 8PM.