Mga “Juan of a Kind” na kuwento na tumatak sa iJuander ngayong 2019
I JUANDER, ANONG MGA JUAN-OF-A-KIND NA MGA KWENTO ANG TUMATAK SA IYO?
DECEMBER 11, 2019
MIYERKULES, 8:00 PM SA GMA NEWS TV
Sa nalalapit na kapaskuhan, muling magbibigay ng inspirasyon at pag-asa ang ilan sa mga nakilala nina Susan Enriquez at Cesar Apolinario na talaga namang “Juan of a Kind!”
Pagdating sa pagiging matatag at matapang sa buhay, hindi pahuhuli ang isang grupo ng magkakaibigang bading mula sa Malabon. Dahil malambot man daw sila kung kumilos, lumalabas naman daw ang kanilang pagkalalaki kapag sumasabak sa pangingisda. Balikan din ang kuwento ng ilang mga PWD o Persons With Disability na hindi hinahayaan ang kani-kanilang mga kondisyon na maging hadlang para sila'y magtagumpay.
_1_2019_12_10_13_13_18_3.jpg)
_2_2019_12_10_13_13_18_0.jpg)
Pagdating naman sa pagiging madiskarte, talaga namang “Juan of a Kind” si Richard alyas DJ Blue. Dahil ang pagsampa at pagtitinda ng candy sa mga bus na biyaheng Monumento, sinasabayan niya ng kanyang mga hugot lines at pagra-rap, para makarami ng benta.
Larawan naman ng isang ulirang ama si Ronald dahil bukod sa pagiging barbero, suma-sideline din siya bilang tubero, karpintero, electrician, welder at masahista. Ang lahat ng kanyang pagsasakripisyo --- para lang matugunan ang mga pangangailangan ng kanyang siyam na anak.
_4_2019_12_10_13_13_18_2.jpg)
Silang mga tunay na “Juan of a Kind” ang muling bibida ngayong Miyerkules sa I Juander, alas otso nang gabi sa GMA News TV.
Ang mga iyan at marami pang ibang kwento ng diskarte at pag-asa na hatid ng ating mga ka-Juander ang mapapanood sa Miyerkules, ika-11 ng Disyembre, 8PM, kasama sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario sa GMA News TV.
_5_2019_12_10_13_14_46.jpg)
ENGLISH:
As Christmas fast approaches, we will return to the stories that inspired us the most. Through the years, we have witnessed different Filipinos that have so much stories to tell that are surely #JuanOfAKind!
This week, join Susan Enriquez and Cesar Apolinario as they return to these stories and more this Wednesday, December 11, 8PM, on GMA News TV.