Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'i Juander,' paano kung nabubuhay ang mga bayani natin sa makabagong panahon?


September 11, 2019
I Juander, paano kung nabubuhay ang mga bayani natin sa makabagong panahon?


Nabubuhay sa alaala ng maraming Juan ang mga sakripisyo at pakikipaglaban ng kanilang mga itinuturing na bayani. Pero I Juander, paano kung nabubuhay sila sa makabagong panahon?




Likas daw na karismatiko ang binansagang supremo ng katipunan na si Andres Bonifacio. Kaya nga kung nabubuhay daw ito sa panahon ngayon, tiyak na marami raw itong followers. Madala rin kaya niya ang pagiging matapang at mainitin ang ulo, kung haharapin niya ang isyu ng territorial dispute sa West Philippine Sea?


Certified RK o “rich kid” naman daw si Emilio Aguinaldo, kung nabubuhay sa modernong panahon. Anak lang naman siya ng Gobernadorcillo ng bayan ng Kawit, Cavite. Kaya hindi nakapagtataka na napasok din niya ang pulitika. Pero sa mga kontrobersiyal niyang desisyon bilang unang presidente ng Republika ng Pilipinas, hindi raw malayong maihambing siya sa kasalukuyang pangulo.


Journalist, abogado o pulitiko, ito naman daw ang posibleng karerin ni Marcelo H. Del Pilar kung nabubuhay din sa panahon ngayon. Dahil noong panahon ng mga Kastila, isa siya sa mga itinuturing na pinaka matalino at pinaka makapangyarihang propagandista. Totoo nga kayang mas mahusay pa siya kay Dr. Jose Rizal?


Isang makabagong pagtingin sa mga sinaunang bayani, samahan sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario ngayong Miyerkules sa I Juander, alas otso nang gabi sa GMA News, samahan sila sa pagsagot sa tanong ni Juan:

I Juander, paano kung nabubuhay ang mga bayani natin sa makabagong panahon?                           

English:

Many Juans relive the memory of the sacrifices and bravery of our heroes. I Juander, what would be the stand of our heroes if they live in the modern times?

The Supremo of Katipunan, Andres Bonifacio is known to be charismatic. Experts say that if he lived at present, he will have many followers.
Emilio Aguinaldo is a certified rich kid if he lived today. He was a son of the Gobernadorcillo of the town of Kawit, Cavite. This is also why people did not question when he expressed interest in going in to politics. Experts also believed that Aguinaldo’s controversy concerning his decision as the first President of the Republic of the Philippines is comparable to the current Administration.

If Marcelo H. Del Pilar is living at present, he might be a journalist, lawyer or a politician. Because in the Spanish time, he was considered as the most intelligent and most powerful propagandist. Is it true that he is better than Dr. Jose Rizal?

This is a new take in looking at our Heroes; join Susan Enriquez and Cesar Apolinario, this Wednesday, in I Juander, eight o’clock in the evening, as they answer the question:

I Juander, what would our heroes be like if they live in modern times?