'i Juander,' paano mapupuksa ang mga peste sa bayan ni Juan?
I Juander, paano mapupuksa ang mga peste sa bayan ni Juan?
Kadalasa'y maliliit at patago-tago, pero labis ang perwisyong idinudulot sa pamumuhay at kalusugan ni Juan. Ito raw ang problemang dala ng mapaminsalang mga peste.
Sino nga raw ba ang hindi napapatili at napapabalikwas kapag nakakakita ng ipis, lalo na kapag lumilipad! Sa bahay nga ni Ruby sa Tondo, hindi lang daw paisa-isa o mangilan-ngilan ang mga ipis kundi isang batalyon! At pati sila raw mismo, pinuputakte na rin ng mga ito. Pero kung ang karamihan, peste ang tingin sa mga ipis, si Jomar, inaalagaan pa raw ang mga ito at pinadadami! Kayanin kaya ng powers ni Susan Enriquez na maka-meet and greet ang mga alagang ipis ni Jomar?
Pero hindi lang daw mga insekto ang maituturing na peste. Dahil sa mga palayan at palaisdaan sa Pampanga, isang uri ng pagong ang itinuturing na salot. Ang Chinese Soft Shelled Turtle o “ahas pagong” kung tawagin ng mga taga-rito, na siyang umuubos daw sa mga dapat sana'y nahuhuli nilang isda. Kaya ang naisip ng mga mangingisda, ang manghuli ng mga ahas pagong para ibenta at gawing laman tiyan. Sasama si Cesar Apolinario sa kanilang panghuhuli at makikitikim din siya sa espesyal daw na sisig ahas pagong.
Abangan lahat ng 'yan ngayong Miyerkules sa I Juander, alas otso nang gabi sa GMA News TV. At alamin ang sagot sa tanong ni Juan:
I Juander, paano nga ba mapupuksa ang mga peste sa bayan ni Juan?
English
They usually crawl and hide, and cause big trouble to Juan’s life. They are problem caused by pests.
Who will not scream and cringe whenever Juan sees a flying cockroach? In Ruby’s house in Tondo, there is a battalion of cockroaches! They are being pestered by cockroaches. But in the case of Jomar, he does not kill cockroaches, instead he takes care of them and grow their population. Susan Enriquez visited Jomar’s pets, will she be able to handle them?
Not only insects are considered as pest. In the rice field and fish ponds in Pampanga, a particular species of turtle is considered as pest. The Chinese Soft Shell Turtle eats the fish the fishermen are supposed to catch. Because of this, the fishermen thought of catching the turtles and sell them. Cesar Apolinario will join the fishermen as they catch the turtles.
Do not miss this to watch I Juander, this Wednesday, eight o’clock in the evening, on GMA News TV, as we answer the question:
I Juander, how does Juan get rid of the trouble the pests are causing?